P O T R I C K ALAS otso na nang magising ako. Bumangon ako agad at lumabas mula sa kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko doon si Dori. Nang mapansin ako nito ay agad siyang lumapit mula sa paghinaw ng kanyang kamay doon sa lababo. "Pot, kinwento sa akin ni Andrew 'yong nangyari kagabi! Ano ba 'yan? Hindi ko man lang na-saksihan," wika nito. Mataas ang energy niya na may pagka-dismaya sa itsura dahil sa sinabi. Umupo siya sa tabi ko. Hawak ang isang baso ng tubig, umiling ako kay Dori. "Mas okay nga na 'di mo na-saksihan eh. Ma-i-stress ka lang kung nakita mo 'yong kaguluhan kagabi," tugon ko't ininom ang natitirang tubig sa baso. Hinampas naman ako ni Dori. "Baliw! Kung gising lang ako kagabi, na-sabunutan ko na 'yong dalawa na 'yon. Lalo na 'yang si Jonas

