P O T R I C K "I'd climb every mountain..." "And swim every ocean..." "Just to be with you..." "And fix what I've broken..." Hindi ko na napigilang sabayan 'yong kantang kasalukuyang tumutugtog dito sa buong Café. "'Cause I need you...to see..." "That you are the reason...yeah, yeah!" Okay na sana, eh. Feel na feel ko na 'yong ganda ng song kaso sumingit at humirit naman itong si Dori. Mas feel niya pa iyon kaysa sa akin kahit 'di ko maintindihan kung saan papunta 'yong tono niya. "Ay, ang ganda talaga ng kantang 'yan! Favorite ko na 'yan, Pot!" Pagpuna nito habang pinupunasan 'yong counter. Napasimangot ako at kunot-noo ko siyang tiningnan. "Alam mo, ikaw? Gaya-gaya ka rin, e 'no? Basta marinig mo lang na kinakanta ko, nagandahan ka na!" Sabi ko at inabot na 'yong bagong gawang kape

