TWO weeks has passed. Naging mabilis ang mga araw kaysa sa inaasahan ko. Naging abala ako sa mga klase ko at sa trabaho ko sa Campus Café. Every thing got back to normal. Kailan ba nagsimulang bumalik ang lahat sa dati nitong ayos? Well, siguro noong araw na 'yon. Last, last week. Noong magising nalang ako isang umaga dahil sa sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak sa bawat pagpintig ng kung ano sa utak ko. I guess, alam niyo naman kung anong rason. I had a hangover that day. Nag-inuman kasi kami nila Andrew at ng roommate niyang si Glenn, which is 'di ko akalaing dadagdag pala sa friendlist ko. That day, I woke up with an extreme headache. Walang tao sa kwarto. And yeah, sa kwarto naming dalawa ng Basti na 'yon. Wala siya nang umaga na 'yon. And also, there was no one to make coffee

