“Kumusta, Leigh? Wala pa rin ba siyang tawag o kahit na anong mensahe sa iyo?” bungad na tanong ni Sandra kay Ashleigh pagkadating nito sa isang coffee shop na pinagkitaan nila. Malungkot at matamlay naman na umiling si Ashleigh sa mga kaibigan niya. “Wala pa rin,” tugon niya. “Paano na iyan? Bukas na ang kasal ng daddy mo pero wala pa rin siya. Hindi mo pa rin siya naipapakilala sa daddy mo,” alalang sabi naman ni Jamie sa kanya. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang bumalik ang dalawa niyang kaibigan dito sa Manila mula sa Palawan. Ngunit walang nadalang mabuting balita ang dalawa niyang kaibigan sapagkat hindi natagpuan ng mga ito si Angelo sa pinagtatrabahuhan nitong hotel. At ayon pa sa naturang hotel ay nag-resign na raw sa trabaho roon ang lalaki. Pero nakausap naman ng dalaw

