Chapter 21

2164 Words

Agad na napabalikwas ng bangon si Ashleigh nang maramdaman niya ang masakit na sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat, mula sa bintana ng silid na kinaroroonan niya. Sa sobrang taas na kasi ng sikat ng araw ay tumatagos na ang sinag nito sa kurtina na nasa bintana ng kwarto. At sa wari niya ay tanghali na. Tinanghali na naman siya ng bangon. Kung bakit ba naman kasi napuyat na naman siya kagabi sa kaiisip sa lalaking nagpapatibok ng malakas sa puso niya. Nahihiya na tuloy siya sa kay Mang Gener dahil hindi na siya nakakatulong dito sa mga gawaing bahay. Nagmamadali niyang inayos ang kanyang sarili at pagkatapos ay kaagad na siyang lumabas ng silid. “Mukhang napuyat ka kagabi sa kung ano mang dahilan, ija, huh,” nakangiti at tila makahulugang bungad ni Mang Gener sa kanya pagkalabas n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD