Mariing nakagat ni Ashleigh ang ibabang labi niya habang mainam na pinagmamasdan si Gelo na nakaupo sa isang tabi. Kasulukuyang nasa peryahan pa rin sila. “Kuya, kumusta? Nahihilo ka pa rin po ba?” tanong ni Tonya kay Gelo matapos nitong mapainom ito ng gamot. Mabuti na lang at nandito at kasama nila si Tonya. Dahil kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin kay Gelo sa ganitong sitwasyon. “Okay na ako, Tonya. Salamat,” sagot ni Gelo sa batang babae. “Ikaw naman kasi, kuya eh. Bakit ka pa kasi sumakay roon? Eh hindi ka naming pinilit ni ate,” panenermon pa ni Tonya sa lalaki. Hindi umimik si Gelo sa bata at sa halip ay sinulyapan lamang siya nito. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng guilt dahil sa mga titig na iyon ng lalaki sa kanya. Kahit na kung tutuusin ay wala naman siyang kasala

