"How's your school going?" nakangiting basag ni Cristy sa katahimikan nila ni Ashleigh, habang nagmamaneho ito ng sasakyan.
Pinagbuksan niya kanina si Ashleigh ng pintuan ng sasakyan sa passenger seat pero mas pinili ng bata na maupo sa backseat. Nagmukha tuloy siyang driver nito pero balewala para sa kanya ang bagay na iyon.
Pagkagaling niya sa trabaho ay naisipan niyang silipin ang anak ng kanyang nobyo. Ilang araw na kasing problemado si Ark sa anak nito dahil sa pagiging pasaway nito na hindi na nito maunawaan pa. Alam naman ni Cristy na hindi siya gusto ni Ashleigh, ramdam na ramdam niya iyon sa pakikitungo nito sa kanya kahit pa hindi nito sabihin. Pero nakahanda siyang gawin ang lahat para mapatunayan dito na malinis ang hangad niya sa relasyon nila ni Ark.
"Well, it's great. Thanks for asking," walang buhay na tugon ni Ashleigh sa naging tanong ni Cristy sa kanya. Bored na bored siya dahil sa halip na makagimik pa siya kasama ng kanyang mga kaibigan, ay napaaga lamang ang uwi niya dahil sa pagsundo sa kanya ni Cristy.
"That's good to hear, then," nakangiting tugon ni Cristy kay Ashleigh. "Ilang linggo na lang at 18th birthday mo na, do you have any plans? Ang sabi kasi ng yaya mo ay ayaw mo raw ng party—"
"Yea," mabilis na putol ni Ashleigh kay Cristy. "Yaya is right. I don't want any party on my debut."
"May I know kung bakit ayaw mo? I mean... you know, minsan lang mag-debut ang babae. Mas maganda sana kung maranasan mo rin ang isang malaking debut party—"
"I said I don't want it," muli ay putol ni Ashleigh kay Cristy. Ayaw niyang i-celebrate ang 18th birthday niya dahil sa inis niya sa nangyari last birthday niya. Kung saan ay super excited pa naman siya sa dinner nila ng daddy niya, but it turns out na kaya lang pala ito nakipag-dinner sa kanya ay para maipakilala sa kanya si Cristy na nobya nito. At hindi para i-celebrate ang birthday niya.
Hindi na sumagot pa si Cristy kay Ashleigh dahil naramdaman na rin naman nito na baka mainis na ng tuluyan si Ashleigh kung ipipilit niya pa rin dito ang tungkol sa debut party. Kaya naman muli silang binalot ng katahimikan hanggang sa tuluyan na silang makarating sa bahay.
Mabilis na binuksan ni Ashleigh ang pinto ng sasakyan saka siya bumaba ng sasakyan. "Thank you sa paghatid," usal niya kay Cristy pagkababa rin ni Cristy ng sasakyan. "I'm not sure if dad is home na, but you can go inside," walang buhay na dagdag niya pa saka siya mabilis na tumalikod at nagsimulang humakbang papasok sa loob ng bahay nila.
Sinalubong siya ng yaya niya at agad na kinuha ang bag niyang nakasukbit sa balikat niya.
"Maaga yata ang uwi mo ngayon?" nagtatakang tanong ng Yaya Vangie niya sa kanya.
"May epal kasing sumundo sa akin," inis na tugon niya sa yaya niya.
"Huh? Sino?"
Dere-deretsyong naglakad lamang siya papasok ng bahay at hindi na inabala pa ang sarili na sagutin ang tanong ng yaya niya sa kanya. Hanggang sa matigilan siya nang marinig niya ang mga pamilyar na boses na nag-uusap sa may sala ng malaking bahay nila.
Marahan siyang sumilip mula sa kinatatayuan niya.
"Nariyan nga pala ang daddy at lolo mo," bulong ng yaya niya sa kanya.
"What? What are they doing here?" kunot-noong tanong niya hanggang sa marinig niya ang usapan ng mga ito.
"Hindi ba parang sobra naman yata ang gusto mong mangyari para sa anak mo?" tanong ng Lolo Arturo niya sa daddy niya.
"Wala na akong ibang maisip na paraan pa para sa kanya. Masyadong matigas ang ulo niya at wala na siyang pinakikinggan," tugon naman ng daddy niya sa lolo niya.
"Kaya ipakakasal mo na lamang siya?" tanong pa ng lolo niya sa daddy niya na siyang ikinabilog ng mga mata niya.
"Mas mabuti na iyon, papa, kaysa lumala lamang siya. Mas mabuting ipakasal ko na lamang siya sa lalaking alam kong kaya siyang mahalin at alagaan. Isa pa'y mas mapabubuti ang buhay niya kung mag-aasawa siya. Baka sakaling mag-mature na siya."
"Pero, anak. Kinabukasan ni Ashleigh ang nakasalalay rito. Paano ka nakakasiguro na magtitino siya kung ipakakasal mo siya sa lalaking hindi naman niya lubusang kilala?"
"Mas may kinabukasan siya kung pakakasalan niya ang lalaking napili ko para sa kanya, papa. Mas makabubuti iyon para sa kanya."
"But, Ashleigh, is just 17 years old, Ark. Napakabata pa niya para ikasal—"
"She will get married at the age of 18. At ilang linggo na rin lang naman at nasa legal age na siya," putol ng daddy niya sa sinasabi ng lolo niya.
Unti-unti naman niyang naikuyom ang mga kamao niya. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya ngayon. Paanong nakakapagdesisyon ng ganoon lamang ang daddy niya para sa kinabukasan niya? Ano ba ang tingin nito sa pagpapakasal para isabak siya sa bagay na iyon?
"But, Ark... sa tingin ko ay hindi magugustuhan ni Ashleigh ang gagawin mong iyan sa kanya."
"Mas mabuti na ito, papa. Para masiguro ko na sa maayos na lalaki at pamilya siya mapupunta."
"I'm home," mabilis na singit ni Ashleigh sa pag-uusap ng daddy at lolo niya.
Dahil sa ginawa niya ay bahagyang natigilan ang dalawa.
"Apo... kanina ka pa ba dyan?" tanong ng lolo niya sa kanya.
"Yes, lolo," deretsyong sagot niya rito saka siya lumapit dito at nagmano. At pagkuwan ay bumalin siya ng tingin sa kanyang ama. "Pero huwag po kayong mag-alala, ituloy niyo lang po kung ano ang pinag-uusapan niyo," wika niya saka siya walang buhay na tumalikod sa mga ito at umakyat sa hagdan patungo sa kanyang silid.
Ni-lock niya ang kwarto niya pagkapasok niya roon saka niya pagod na ibinagsak ang sarili sa malambot na higaan. Humigit siya ng malalim na paghinga habang nakatitig lamang sa puting kisame ng kanyang silid. Unti-unti, hindi niya namalayan na tinatakasan na pala siya ng luha.
Mas lalong sumasama ang loob niya sa sariling ama dahil sa nalaman niyang kagustuhan nitong mangyari para sa kanya. Na para bang gusto na lamang nitong mawala siya sa pudar nito para maging malaya na ito at wala ng isipin pa. Na para bang gusto lamang nitong makalaya sa responsibilidad sa kanya kaya gusto nitong ipakasal siya kahit na ang bata-bata niya pa.
Nagpatuloy sa paglandas ang mga luha niya habang patuloy rin sa pagsama ang loob niya sa kanyang sariling ama. Siguro nga, napapagod na nang husto ang kanyang ama sa kanya. Siguro nga ay ayaw na nitong maging responsibilidad siya. At kung ganoon lang din naman, ay mas mabuti pang umalis na lamang siya kaysa ipilit pa siya nitong ipakasal sa lalaking hindi naman niya gusto at hindi naman niya kilala.
Kinagabihan, napagpasyahan ni Ashleigh na makipagkita sa mga kaibigan niya sa paboritong bar na pinupuntahan nila. Habang naghihintay siya roon mag-isa ay nauna na siyang um-order ng kanyang maiinon.
"One margarita on the rocks, please!"
"so, you drink?" Nagitla si Ashleigh nang biglang may lalaking nagsalita sa tabi niya. Nang tingnan niya ito ay pamilyar sa kanya ito.
"Ikaw?" Naaalala niya ito. Ito ang lalaking nag-abot sa kanya ng panyo, noong huling magpunta siya sa puntod ng kanyang ina.
"How are you?" nakangiting tanong ng lalaki sa kanya.
Inabot ni Ashleigh ang order niyang alak na inilapag ng bartender sa harapan niya. "I'm not good," tugon niya saka niya sinimulang inumin ang inumin niya.
"Well, halata naman," tugon ng lalaki saka ito um-order din ng sariling alak.
"Oo nga pala, 'yong panyo mo—"
"Sa iyo na 'yon," putol ng lalaki sa kanya saka ito matamis na ngumiti. "I'm Alfred, by the way," pagpapakilala pa nito sa kanya sabay lahad ng kamay nito sa harapan niya.
"Ashleigh," tugon naman niya saka siya nakipag-shakehands dito. At pagkatapos ay muli siyang uminom ng inumin niya.
"Mukhang... hindi talaga maganda ang mood mo ngayon ah," komento ni Alfred sa kanya.
"Ikaw ba naman, malaman mo ba naman na plano kang ipakasal ng tatay mo sa taong hindi mo naman kilala."
"Oh. So, kaya ka nagkakaganyan dahil hindi mo gusto ang gusto ng tatay mo?"
"Sino ba naman ang may gusto ng ganoon, 'di ba?"
"Bakit hindi mo muna subukan? Malay mo naman ay magustuhan mo rin—"
"No way," mabilis na putol niya rito na bahagyang ikinatawa ng lalaki. "Alam mo ba kung ano ang pangarap ko noong bata pa ako?"
"What is it?"
Tinitigan ni Ashleigh ang basong hawak niya. "I want to find my own Beast," usal niya kasunod ng pagsilay ng maliit na ngiti sa kanyang mga labi.