“Leigh!” Walang buhay na napaangat ng tingin si Ashleigh mula sa kung sino mang tumawag sa kanya. At sa gitna ng napakaraming tao ay agad niyang natanaw ang kanyang dalawang matalik na kaibigan na sina Jamie at Sandra. “Girls,” malungkot na usal niya sa mga ito pagkalapit ng mga ito sa kanya. “Are you okay?” alalang tanong naman ni Sandra sa kanya. Suminghap siya kasabay ng pagkibit ng kanyang balikat. “Of course not. I’m not okay,” tugon niya rito. “Alam naming napakahirap ng sitwasyon mo ngayon, Leigh. And it’s okay to feel that you’re not okay. After all, magiging okay rin ang lahat,” saad naman ni Jamie sa kanya. Hindi naman niya maiwasang hindi mapatawa sa sinabi nito sa kanya. “Paano naman magiging okay ang lahat sa sitwasyon namin? Gelo and I… we can’t be together anymore,

