Chapter 45. Last look

2196 Words

"Hala! Ba't nandito ang bruha?" taas kilay ni Elsa. Natahimik ang lahat nang pumasok siya. As far as I know she's a tourism student. Siguro sa department na ito kumuha siya ng minor subject, at talagang ang English 101 pa. Magkaklase nga naman kami. "Halo-halo naman kasi ang mga kaklase natin ano. Kaya okay lang. Huh, ang arte lang din," ikot ng mga mata ni Raquel. Naupo na silang dalawa sa tabi ko at sa harapan na row namin pumwesto siya, kasama ang dalawang kaibigan niya. Lahat nang kaklase kong lalaki ay nakatitig sa kanya. Nagbulong-bulongan ang iilang kababaihan sa kabilang row at likod. Rinig namin ito. Natahimik lang din ang lahat nang dumating ang English Professor namin. . "Bree Jane Jackson?" Alerto akong napatitig sa propesor namin nang tinawag ang pangalan niya. . .

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD