"Salamat talaga, Raquel. Ang laki na ng utang ko sa'yo." Nakakahiya man ay kinapalan ko na ang mukha ko. I'm left with no choice but to borrow money from Raquel. Si Maya ang nag-send ng mensahi sa akin, siya ang pansamantala ang pinagkakatiwalaan ko sa pagtingin kina Nanay at Tatay. "Pasensya ka na rin, Bree. Iyan lang ang pera ko sa ngayon. Sana makatulong." Napayuko ako at namuo agad ang luha sa mga mata ko. Nasa hospital si Tatay, isinugod ni Nanay kahapon. Ayaw nga sabihin nila ito sa akin dahil okay na raw si Tatay ngayon. Pero nag-aalala si Maya, kaya siya na mismo ang nagsabi sa akin nito. Walang alam ang mga magulang ko at ignorante sila sa buhay. Tumatawag ako palagi kay Maya, dahil siya lang ang malapit sa mga magulang ko. Alam kong may problema na si Tatay sa pus

