"Sure ka, Bree? Maglalaba ka?" Pamaywang ni Raquel. Isang linggo na ako sa boarding house na ito at wala pa akong mahanap na trabaho. Nahihirapan akong makapasok dahil over qualified na daw ako. Mataas daw ang posisyon ko sa kompanyang pinang-galingan ko at mataas ang sweldo. Hindi nila kayang tapatan iyon, kahit na pinipilit ko na maski ano na lang at walang problema sa akin ang sweldo, ay hindi pa rin ako tangap. Nauubos na din ang savings ko, dahil pinadala ko kina Nanay at Tatay ang five thousand pesos. Kaya heto, kailangan ko talagang kumita ng pera. Wala na akong pakialam, at kahit anong trabaho ay okay lang naman. Basta huwag lang iyong magbenta ng laman. "Okay lang 'to, Raquel. Sanay naman ako maglaba ano," pangatwiran ko. Inayos ko na ang dalawang balde na

