Hanggang ngayon ay hindi pa rin s’ya makapaniwala sa binitiwang salita ni Atlas noong nakaraang gabi. Seryoso nga kaya ito sa sinabi nitong mahal nito si Lysithea? Hindi naman sa nilalait n’ya ang babaeng ‘yun ngunit kabaligtaran ang ugali nito sa ugali ni Atlas. Mas inuuna nito ang kapakanan ng iba bago ang sarili kaya masasabi n’yang hindi ang tulad ni Lysithea ang nararapat dito. Nakita n’ya ang poot sa mga mata ng itim na Engkantong iyon at nakita n’ya rin ang sakit na bumalatay sa mga mata ni Atlas. Kahit sa sandaling panahon ay nakita n’ya at naramdaman kung gaano nito kagustong protektahan s’ya dahil importante s’ya kay Janus. Sana lang ay hindi ito masyadong mabulag sa pag-ibig nito kay Lysithea. Itinuturing na n’ya itong kaibigan at kakampi kaya ayaw n’yang mapahamak ito. Hindi

