Trigger

1034 Words
"Hi! Did I disturb you?" bungad na tanong ni Daryl sa akin nang tumawag ito. "Why are you calling? How did you get my number?" usisa ko sa kanya. "I called because I would like to invite you over on my birthday," saad nito sa akin. Naalala ko na sa susunod na linggo na pala ang kaarawan nito. "Are you coming? Please!" pakiusap ni Daryl. "I can't. I am sure you have tons of friends you can spend it with," sagot ko sa kanya. "I wanted to spend that day with you. What should I do to convince you?" usisa ko. "You don't have to do anything. If you could just stop messing around with me, I would be very happy," pahayag ko. Gabi nang ito ay tumawag. Ayaw nito sagutin kung paano nakuha ang numero ko. "I am not messing around. I am just trying to be nice sa kabila ng lahat ng ginawa mo sa akin in the past," patuloy na sabi ng kaibigan. "Don't make me feel guilty because I am not. I can't deal with you. You better rest," sagot ko saka pinatay na ang aking cellphone. Saka lamang pumasok si Daena sa aming silid. Kagalingan lang nito sa shower. "I heard you are talking to someone. Who is calling?" usisa nito. "A co-worker and I have to brush it off dahil gabi na," tipid na tugon ko. "Bakit daw?" dagdag na sabi ng aking asawa. Na-curious ito lalo dahil sa napuna na kakaibang inis na nararamdaman ko. "Never mind. Ang mabuti pa ay mahiga na tayo," aya ko sa kanya. Sumunod naman ito. Unti-unti na naging normal muli ang aming pagsasama. Hiling ko na sana ay magtuloy-tuloy na ito. Pumasok na ako sa opisina pagkatapos ko mahatid ang aking asawa sa kanyang trabaho. Kadalasan ay ito ang naging routine naming dalawa. "We are going to a birthday party bukas. I already bought a gift for the celebrant," bungad ni Daena sa akin. Napakunot ang aking noo dahil wala ako matandaan na may party kinabukasan. Lahat kami ay tapos na ang mga kaarawan. "Sino ang may birthday?" usisa ko sa aking asawa. "A new friend of mine. Basta, you should go with me." Pahayag ni Daena. Hindi ko mawari kung bakit hindi ako mapakali. "Friend sa work?" pangungulit ko sa kanya. Umiling ito saka ngumiti na halatang nasiyahan. "Ayaw mo talaga sabihin? Why?" giit na tanong ko. "It is not that. I just want us to attend, okay? Let's try to socialize naman outside our comfortable home," paglalambing ni Daena. "Tell me first kung sino ang may kaarawan. Otherwise, I can't promise to join you," saad ko. "Ganun? Isn't that kind of a blackmail?" tila nainis na tugon ni Daena. "No. I have the right to know naman," sagot ko sa kanya. "Fine. We are going to celebrate Daryl's first birthday in the country after he had gone home," anunsiyo ni Daena. Nagulat ako sa sinabi nito. "What? Paano ka n'ya inimbitahan?" usisa ko. "He called. Why? What's wrong?" nagtataka na tanong ng aking asawa. "I declined his invitation yet you accepted it," pagbulgar ko. "How come? He was your friend. What went wrong?" pangungulit ni Daena sa akin. "We were friends. But we had misunderstandings, okay? I don't want to get close to him in any way," tugon ko. Nakakahalata si Daena na talagang pinagdidiinan ko ang pagtanggi sa nais nito. "Ano nga ba talaga ang nangyari sa pagitan ninyo? Grabe naman na hanggang ngayon ay hindi ka mo magawang mag-move on," saad ng aking asawa. "Ayaw ko na buksan pa ang bahaging iyon ng buhay ko," sagot ko na walang plano na sabihin sa kanya ang lahat. "Ganun? I don't get it. Akala ko pa naman ay best of friends kayo at simpleng tampuhan lang. I was looking forward for the two of you to reconcile," pahayag ni Daena. Hindi ako tumugon. Parehas kami na nakahiga habang nakayakap s'ya sa akin. "Ano ngayon ang sasabihin ko? Tiyak na umaasa s'ya na darating tayo," nag-alala na sabi ni Daena. "Sabihin mo na may lakad din tayo. No more explanation and end of argument," sagot ko. "Nkakahiya naman. Pumayag na kasi ako," nakakagat sa labi na tugon ni Daena. "Just text him kung hindi mo kayang sabihin. Or I'll do it for you," suhestiyon ko. Walang salita na kinuha nito ang cellphone at binigay sa akin. "You better do it," nakanguso na utos ni Daena. Upang matapos na ang usapan ay aKo na nga ang gumawa. Matapos ko mag-send ng message ay pinatay ko ang aming mga cellphone. Tahimik ang aming buong umaga sa sumunod na araw. Naging abala kami sa gawaing bagay na magkatuwang. Lumabas kami para mag-dinner date. Gabi na kami nakauwi ng bahay. Ngunit bago pa man kami makarating sa pintuan ay may isang lalaki na nakatayo. Nakayuko ito at mukhang kanina pa naghihintay. "Daryl?" mahinang bulalas ni Daena. Halatang nakaramdam ito ng guilt sa nakita. Malungkot ang mukha ni Daryl at mukhang nakainom. Bumaling ang atensyon ni Daena sa akin na tila ako ang nais n'yang sisihin sa kondisyon ng lalaki. "I have waited in the restaurant but you did not come," pahayag ni Daryl. "Daena texted you last night that we wouldn't come, why did you waste time waiting?" sagot ko. Ako na ang nakipag-usap kay Daryl dahil alam ko na napanghinaan ng loob si Daena na kausapin ito. "But she said yes," giit nito. "And I said no. Remember, I am her husband and I have the final say," matapang na pahayag ko. Mapait na ngiti ang isinukli ni Daryl. "Kaya mo bang panindigan ang pagiging asawa mo sa kanya, ha?" hamon ni Daryl sa akin. "Of course! Kaya ayaw ko na makipaglapit ka kay Daena ay dahil hindi ka magandang implwensya," sabi ko sa bisita. "Really? One day ikaw mismo ang lalapit sa akin. I forgave you on what you have done years ago. I have given so much chances but you keep on hurting me," himutok ni Daryl. "Ano ang sinasabi mo?" naguluhan na tanong ni Daena. "You should get inside. Let me deal with him!" utos ko kay Daena bago pa may masabi si Daryl na lalong magpapagulo sa aming lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD