Pagsubok

1069 Words
Matagal ako na nagmukmok sa loob ng silid subalit walang Daena na pumasok upang sundan ako. Hindi ako sigurado kung ano ngayon ang nilalaman ng isipan ni Daena. Ang alam ko lang ay isa akong disappointment sa aking asawa at pamilya. Dahil hindi ko matiis si Daena kaya lumabas ako ng silid upang hanapin ito. Natagpuan ko s'ya sa isang sulok habang nakamasid sa kawalan. Nakabukas ang bintana kaya nakakapasok ang malamig na dampi ng hangin. Madilim na sa labas at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanglaw. "I am sorry if I have disappointed you," mapagkumbaba at malungkot na bungad ko sa kanya. Naupo ito sa upuan na nandoon habang may hawak na tasa na naglalaman ng tsaa. Tumabi ako sa kanya nang may kaunting distansya. "Hindi ko masasabi na okay lang ako at ganun din tayo. It's unfair lang kasi we both wanted it so much pero hindi tayo ipinagpala. We can provide what the child needs pero bakit ganun? Samantala ang iba ay wala man lang kahirap-hirap," saad ni Daena na naglalabas ng sama ng loob. "Naiintindihan ko at alam ko na wala akong karapatan na magalit. I would understand whatever your decisions will be. I will respect it," pahayag ko sa aking asawa. Hindi sumagot si Daena at hinayaan ko muna s'ya na mapag-isa. Nagtungo ako sa mini-bar upang kumuha ng inumin. Hindi ako naglalasing kahit na kailan pero ngayon gusto ko muna kumawala sa kasalukuyan. Pumunta ako sa garahe saka naupo sa kotse. Doon ako nanatili habang tahimik na tinutungga ang natitirang alak sa bote. Dahil hindi ako sanay uminom kaya mabilis ako nawala sa katinuan. Nakatulog ako sa loob ng kotse. "I am sorry!" umiiyak na sabi ko. Patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Kaharap ko si Daryl habang humihingi ng patawad. Alam ko na kasalanan ko lahat ng ito at maaring karma na ito. Kaya tinanggalan ako ng kapasidad na manganak dahil siguro sa pag-iwan ko kay Daryl at pagtalikod sa naging sumpaan namin. Nakasakit ako ng damdamin at namuhay sa isang pagkukunwari. Nakatingin lang si Daryl sa akin at walang salitang namutawi mula sa kanya. Maya-maya ay lumapit si Daena sa kanya at sabay sila na tumalikod sa akin palayo. Iniwanan nila ako pareho. "No------!" sigaw ko sa pagtatangka na mapigilan sila. "Kevin! Gumising ka!" tawag ni Daena sa akin. Nagising ako sa isang malakas na kalabog mula sa pintuan ng sasakyan. Nabuksan na ito ni Daena. Niyakap ko s'ya ng mahigpit at sinuklian naman n'ya ito. "Please don't leave me!" umiiyak na pakiusap ko. "I won't! What happened?" may pag-aalala na tanong nito. "Bad dreams!" sagot ko. "Forget about it! It was just a dream," pagpapakalma sa akin ni Daena. "Promise me that you will never leave my side!" patuloy na pakiusap ko. "I swear! Just calm down, everything is going to be okay!" saad ng aking asawa. "I love you!" sabi ko kay Daena. "I love you too! Pumasok na tayo ng bahay," tugon n'ya. Sumunod naman agad ako sa kanya na pababa na ng sasakyan. Pasado ala una pa lang ng madaling araw. Mabuti na lang pala at gising pa si Daena. Narinig umano nito na sumisigaw ako kaya mabilis s'yang bumaba upang gisingin ako. Sabay kami na nahiga at nagsumiksik ako sa kanya hanggang sa makabalik sa pagtulog. "Ano ang mga ito?" tanong ni Daena kinabukasan. Dumalaw ang aking mga magulang at may mga dalang pasalubong. "Baby stuff!" sabik na saad ng bunso kong kapatid. Nagkatinginan kami ni Daena. Hindi pa namin napag-usapan kung paano namin sasabihin sa kanila ang hindi magandang balita. "Oh di ba ang ganda? Ang mahal ng bili ko nito. Unisex kaya pwede kahit ano pa ang gender," excited na pahayag ni Mommy. "Mom, hindi pa naman buntis si Daena. Baka maudlot naman dahil nauna pa ang mga gamit bago ang baby," mahinahon at magalang na sabi ko. "Ano ka ba, anak! Wala naman masama doon. Basta ito ay itago ninyo para hindi na ninyo problema ang mga gamit sa pagdating ng apo namin," giit ni Mommy. Si Daena naman ay tahimik lang sa isang sulok at hindi makatingin ng diretso kay Mommy. "May problema ba?" usisa ni Mommy nang natuon ang pansin nito kay Daena. Nagkaroon ito ng kutob na mayroon silang hindi nasasabi sa kanila. "Ano ang nangyari ha, Kevin?" pangungulit ni Mommy sa akin. Siguro ay tama lang na sabihin ko ang totoo. Dahil malalaman pa rin naman nila sooner or later. Baka sakali ay may maitulong din sila sa amin. Binigyan ako ng pagkakataon ni Daena na magsalita. Tumango ito bilang pagbigay nito ng pahintulot. "Mom, we are struggling right now of having a baby," saad ko. "Just keep trying! Kaya pa naman iyan eh. Marami rin naman mag-asawa ang nagkaroon ng problema kagaya ninyo pero hindi naman sila nabigo," giit ni Mommy. Malakas ang kumpyansa nito na matutupad din ang aming inaasam-asam. Huminga ako ng marahas upang magawa ko na ipagtapat sa kanila ang totoo. "Mom, ako ang may problema. I can't make her pregnant," saad ko. Nakaawang ang bibig ni Mommy na hindi makapaniwala sa narinig. "How could that be? You look healthy! Kailan at kanino kayo nagpatingin? I suggest you find a different doctor para makasiguro," tugon ni Mommy na hindi matanggap ang balita. "We came from different doctors and they gave us a run around. We have met someone who have been honest to us," saad ko. "No! I will ask you to have a second opinion with a different doctor. Ako ang bahala sa gastos," pahayag ni Mommy. Hindi na ako kumontra sa nais nito. Upang huwag na humaba ang diskusyon ay sumang-ayon na lamang kami ni Daena. Maaring tama si Mommy. Mabuti na lang na hindi nakasama si Daddy sa kanila dahil tiyak na hindi ito matutuwa. Hindi nagbago ang mood ni Mommy at masigla pa rin ito na nakipag-kwenttuhan sa amin ni Daena. Batid ko na pilit na pinapagaan lamang ni Daena ang sitwasyon kaya hindi ito nagpapakita ng kalungkutan na makapag-iiba ng vibes ng araw na iyon. Hindi nagpaawat si Mommy dahil araw ng lunes ay nag-prisinta ito na samahan kaming mag-asawa sa doctor na malapit na kaibigan din daw nito. Subalit bigo kami na makakuha ng positibo na resulta. Hindi nag-iba ang diagnosis nito sa naunang doktora. Malungkot na nagpaalam si Mommy sa amin at maging kami ay hindi mapigilan na mamayani ang katahimikan sa aming tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD