Tyler: Pagkagising ko ay wala na si Elise sa tabi ko. Hindi manlang nito hinintay na magising ako, she's supposed to be at home dahil kailangan pa niyang magpagaling. But I think she's too worried to stay here, she's afraid of exposing herself kaya gagawin niya ang lahat mabura lang ang ebidensiya. Maaaring tama ang hinala kong nagtungo na ito sa security office ng building kung saan matatagpuan ang condo ni Trevor para kunin ang cctv footage. She will fall into our trap nang hindi niya namamalayan. I took a shower, at habang nilalasap ko ang paglalandas ng maligamgam na tubig sa katawan ko ay napapikit ako. I can see the face of my cousin, and I can't help but feel guilty. Kung si Elise talaga ang pumatay sa kanya, then I have disappointed my own cousin. I promised to give him the just

