ELISE: Hating gabi na at pareho kaming hindi parin makatulog ni Tyler. Nakahiga lang kami sa kama at walang gustong magsalita sa'ming dalawa. "Kumusta na pala 'yong lupang papatayuan mo ng factory?" tanong ko kay Tyler habang nakayakap ako sa kanya. "Nakikialam parin si Mr. Ferrel," sagot niya habang inaamoy-amoy ang buhok ko. "Hindi ba puwedeng sa ibang lugar ka nalang magpatayo ng factory?" Nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga si Tyler. "Hindi puwede love. Ang lugar na 'yon kasi ang may pinakamalaking espasyo at may maayos na kalsada para hindi mahihirapan ang mga truck sa pagdedeliver ng mga raw materials at sa pag pick-up ng mga produkto," paliwanag niya. "Don't worry Tyler, I'm sure na makakahanap ka rin ng solusyon." I will make sure to help you no matter what.

