Elise: "Tyler," sambit ko sa pangalan ni Tyler. Abot-abot ang kaba ko at pakiramdam ko ay tila tumigil ang paghinga ko nang inilapit nito sa'kin ang kanyang mukha. "Anong tinatanong mo kay manang?" tanong nito habang seryosong nakatitig sa aking mga mata. "Wa..wala." Jusme hindi ko alam kung bakit ako nauutal. "Siguraduhin mo lang dahil sa oras na malaman ko na may hindi ka magandang ginagawa habang wala ako dito sa bahay ay malilintikan ka sa'kin," sambit niya, may tono ng pagbabanta sa boses nito. "Ano namang gagawin ko dito sa bahay mo bukod sa magpanggap na asawa mo?" Sinubukan kong magtapang-tapangan para hindi niya mahalata na kinakabahan ako. Daig ko pa 'yong na hotseat sa bilis ng t***k ng puso ko. Tumitig muna ito sa'kin bago tuluyang naglakad papasok sa kuwarto niya na ka

