Elise
"Welcome to my place!" nakangiting sambit ni Trevor pagkapasok namin sa loob ng kanyang condo. Iginala ko ang aking tingin sa paligid at napahanga ako dahil sa kalinisan nito. Hindi mo aakalaing lalake ang nakatira dito.
Maayos ang pagkakalagay sa mga gamit na halatang mamahalin. Simple lang ang disenyo ng condo niya pero kumpleto ito sa gamit. Kapansin-pansin din ang mga magagandang vase na nakadisplay, na sa tingin ko ay nagmula pa sa iba't-ibang bahagi ng mundo.
"Wow! You have a nice place!" namamanghang sambit ko. Natawa ito habang nagsisimulang magsalin ng wine.
"This place is my comfort zone," he chuckled, inabot nito sa'kin ang isang baso ng wine. Agad ko naman itong tinanggap at muli akong napatitig sa kanyang mga mata. May lungkot sa mga mata nito taliwas sa ipinapakita nitong masayahing imahe.
"It's beautiful," I blurted out. Hinapit niya ang aking bewang at masuyong hinalikan ang aking mga labi.
"Not as beautiful as you," he whispered seductively in my ears. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pag-aalinlangang patayin ang taong ito. Pakiramdam ko mabait naman ito sa kabila ng pagiging babaero nito. 'Di ko tuloy maiwasang isipin kung bakit gustong ipapatay ni Mr. Lemuel ang isang kagaya niya. Sa tingin ko ay malabo namang magkaroon ng atraso sa kanya itong si Trevor. Baka ang pinsan talaga niya ang tunay na kinaiinisan ni Mr. Lemuel at nadamay lang siya.
"You really love to use honeyed words don't you?" Natawa ito dahil sa sinabi ko.
"I'm telling the truth," natatawang sambit nito. "Come here, let's go to the terrace. I'll show you the world."
Hindi na ako umimik pa at sumunod nalang ako sa kanya. He's holding my hands at ramdam ko ang pag-iingat nito habang inaalalayan niya akong maglakad papunta sa terrace.
Nang makarating na kami ay nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga.
"When I was young, my mom would always tell me that all our dead loved ones are watching us from those stars," sambit nito habang nakatingin sa mga bituin. Napatingin na rin ako dito at bigla kong naisip ang mommy ko. Kung isa siya sa mga bituin na iyon ay kamumuhian niya kaya ako kapag nakita niya ang gagawin ko kay Trevor?
"I just hope they weren't," bulong ko. Tumingin ito sa'kin at sumilay ang isang malungkot na ngiti sa mga labi nito.
"When I'm gone I would be one of those stars as well. I'll watch over my cousin and protect him from evil eyes." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Ramdam kong mahal niya ang kanyang pinsan kagaya ng pagmamahal ko sa kapatid ko. Ngayon ko lang naisip na may pagkakatulad kami, pareho naming gustong protektahan ang mga mahal namin sa buhay.
I moved closer to the metal barrier at naramdaman kong sumunod sa'kin si Trevor. Pumikit muna ako at nilasap ang sariwang hangin.
'Im sorry' I whispered to myself. Umakto akong parang nahuhulog, at nang hinawakan ako ni Trevor para sana iligtas ako ay kinuha ko itong pagkakataon para itulak siya. Nawalan ito ng balanse at umalingawngaw ang sigaw nito na sa tingin ko ay buong buhay ko ng hindi makakalimutan.
"Noooo! Helpppppp!" Pumikit ako at tinakpan ko ang aking tenga para hindi ko na marinig ang pagsigaw niya.
Nang mawala na ang kanyang tinig ay nagmulat ako ng mata. Nakita kong nakahandusay na si Trevor sa kalsada at naliligo sa sarili niyang dugo.
"I'm sorry," I cried. Hindi ko man gustong gawin iyon ay wala akong ibang pagpipilian.
Napatingin ako sa mga bituin na kumikinang sa gitna ng madilim na kalangitan, "Mom, your daughter turned into a monster."
********
Pagkauwi ko ay napahawak ako sa aking batok dahil sa bahagyang pagkirot nito. Naabutan ko pang nanunood ng tv si Elly. Ngumiti ito nang mapansin niya ang pagdating ko.
"Gabi na, ba't gising ka pa?" tanong ko sa kanya habang hinuhubad ko ang suot kong sandal na mataas ang takong. Medyo sumasakit na rin kasi ang paa ko dahil dito.
"Hinihintay kita. Ba't ngayon ka lang? And why are you dressed like that?" Napatingin ako sa suot kong damit dahil sa tanong niya. Jusme hindi pala sanay itong kapatid ko na nakasuot ako ng ganitong damit. Kung alam ko lang na gising pa siya, nagbihis nalang sana ako sa kotse.
"Umattend kasi ako ng party," pagsisinungaling ko. Lumapit ako sa kanya at naupo ako sa tabi niya.
"Party? Ba't hindi mo yata kasama si Mr. Lemuel? Maghapon lang siyang andon sa opisina niya sa taas," sambit nito.
"Ako lang 'yong pinapunta niya. Halika na matulog na tayo bawal kang magpuyat," pag-iiba ko sa usapan. Nagtatakang tumingin ito sa'kin.
"Why do I feel like you're trying to hide something." Napalunok ako dahil sa sinabi niya.
"Ano namang itatago ko sa'yo?" Pinilit kong tumawa sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Hindi puwedeng magduda sa'kin itong kapatid ko. Ayaw kong malaman niya ang totoo.
"Hindi ko alam sa'yo." Pinukol ako nito ng mapanuring tingin.
"Napapraning ka lang ate Elly." Napangiwi ito dahil siguro sa pagtawag ko sa kanya ng ate. Minsan ko lang kasi siyang tawaging ganon kahit pa mas matanda siya sa'kin ng tatlong taon.
"You called me ate," natatawang sambit nito. Marahang hinampas pa nito ang braso ko.
"Ate naman talaga kita, 'wag kang feeling bata diyan." Gumanti rin ako, hinampas ko rin ang braso niya pero hindi ko lang nilakasan dahil baka maging pasa pa ito. Lalo na't mabilis lang magkapasa ang balat nitong si Elly.
"Elise! Come to my office," maawtoridad na sambit ni Mr. Lemuel na kasalukuyang nakatayo sa kalagitnaan ng grand staircase. Pareho kaming napatingin ng kapatid ko sa kanya.
"Opo boss," agad na sagot ko. Hindi na ito muling umimik, bumalik nalang ito sa taas matapos marinig ang sagot ko.
"Mauna ka ng matulog," sambit ko sa kapatid ko bago ako tuluyang umakyat sa hagdan para sundan si Mr. Lemuel. Hindi na umimik si Elly at ramdam kong may nabubuo ng pagdududa sa isip nito.
****
Pagkapasok ko sa opisina ni Mr. Lemuel ay agad kong isinara ang pinto. Mahirap na, baka may makarinig pa sa pag-uusapan namin.
"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" tanong nito habang nagtitimpla ng kape.
"Opo boss, makakasiguro po kayong patay na si Trevor Santiago," paninigurado ko.
Sumimsim ito ng kape at seryosong tumingin sa'kin.
"Sinigurado mo bang hindi ka madadawit?"
Natawa ako sa tanong niya. Kailan pa ba ako pumalpak at kailan pa ako nag-iwan ng bakas sa mga krimeng ipinapagawa niya sa'kin?
"I can assure you Mr. Lemuel, lalabas na aksidente ang nangyari. I deleted all the cctv footages kaya walang makakapagturo na ako ang pumatay sa kanya. I even sent a message to his closest friend using his phone. Lalabas na suicide ang nangyari," paliwanag ko sa kanya.
"That's good. Sige na puwede ka ng magpahinga. Bukas na bukas din ay sisimulan mo na ang unang hakbang para sa huli mong misyon."
Hindi na ako sumagot pa. Agad akong lumabas ng kanyang opisina. Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa aking silid ay hindi ko maiwasang isipin ang krimeng nagawa ko sa gabing ito. Ang inosenteng buhay na kinitil ko para lang makamit namin ng kapatid ko ang kalayaan.
Pagkapasok ko sa aking silid ay agad kong hinanda ang tuwalya at dumiretso na ako sa banyo. Habang nilalasap ko ang pagdampi ng maligamgam na tubig sa aking balat ay paulit-ulit kong naririnig ang sigaw ni Trevor. Sigaw ng paghingi ng tulong at ng pagnanais nitong mabuhay.
Napasandal ako sa pader, hindi ko na rin napigilan ang paglalandas ng aking mga luha mula sa aking mga mata.
Hindi ko naman ginustong maging ganito, hindi ko gustong pumatay. Hindi ko gustong kamuhian ako ng kapatid ko balang araw.
Napaupo ako sa malamig na tiles ng banyo habang patuloy parin sa pagtulo ang aking mga luha. Naalala ko ang mga ngiti ni Trevor, ang mga mata nitong kumikinang na parang mga bituin sa gitna ng madilim na kalangitan.
"How could I do that?" I cried. Ginulo ko ang aking buhok, ni minsan ay hindi ko ito naramdaman sa ibang pinatay ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding pagsisisi at para bang habang buhay kong dadalhin ang pagkamatay niya. Habang buhay kong makikita sa aking isipan ang mga ngiti niyang naglaho dahil sa kagagawan ko.
Bukas ay magsisimula na ako sa bago kong misyon, isang inosenteng buhay na naman ang papatayin ko para lang makapasok ako sa buhay ni Tyler Santiago, ang aking huling misyon. Gusto kong isipin na pagkatapos ng lahat ng ito ay magiging malaya na kami ng kapatid ko. Pero patuloy na bumabagabag sa aking isipan kung tuluyan nga ba talaga kaming makakalaya? O habang buhay lang akong makukulong sa mga kasalanang nagawa ko? Kakayanin ko nga bang mabuhay ng normal sa kabila ng mga buhay na kinitil ko makamit lamang ang kalayaang iyon? Maaari nga akong maging malaya physically, pero hindi kailan makakalaya ang isip ko na habang buhay ng makikipaglaban sa aking konsensya. At ang aking kaluluwang nasusunog na sa impyerno. Hindi ko na deserve ang maging masaya, pero sa kabila ng lahat ng ito ay masaya parin ako na sa wakas ay mamumuhay na ng malaya ang kapatid ko at hindi niya kailangang pagdaanan ang pinagdadaanan ko ngayon.