ELISE: Hindi ko alam kung ano itong aking nararamdaman at kung bakit ako nasasaktan nang makita kong yumakap si Ria kay Tyler. Alam ko na saaming dalawa ay siya ang mas may karapatan, siya ang girlfriend habang ako ay asawa niya lang sa papel. Naupo ako sa gilid ng aking kama habang walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Pilit ko itong pinipigilan subalit tila may sarili itong desisyon at ayaw magpaawat. Sobrang sakit, parang dinudurog ang puso ko at nahihirapan akong huminga. Mahal ko na ba talaga si Tyler? Why? Of all people bakit siya pa? Siya pa na hindi ko puwedeng mahalin. Sobrang unfair ng tadhana. Iniisip ko palang na magkasama sila ngayon ni Ria ay parang winawasak na ang puso ko sa sakit. Napahagulgol ako nang bigla kong naisip na maaaring nagtatalik sila ngayon dahil ma

