Kabanata 3

1985 Words
Ellah Marie " Ang ganda-ganda talaga ni Rose Borja, tapos sikat pa at maraming talent. Kaya siguro siya nagustuhan ni Kuya Adam ko.Paano kaya sila nagkakilala?" 'Yan ang ilang mga tanong sa isip ko habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Kuya Adam na kaka-release lang ng Intertainment news ng isang sikat na tv network. Ito'y upang bigyan ng linaw ang issue tungkol sa napapabalitang nagkakamabutihan na raw sila ng ka love team nitong si Lorence Pineda. Nasa school bench ako ngayon at nag-iisa, hindi ko kasi mahagilap si Gab at wala din naman ako kaibigang babae dahil ayaw nila sa akin. Hindi ko maintindihan bakit sila nagagalit? Nung grade school naman ay hindi, pero simula ng nag-first year high school kami ni Gab ay doon na nag umpisa ang pambabale wala nila sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. " Best taba ano 'yan ha? my ini-stalk ka no? Sino 'yan baka boys yan, yari ka sa'kin."Biglang sulpot ni Gab sa aking likuran saka walang babala niyang inagaw ang hawak kong cellphone. " Anong boys ka d'yan, akin na nga 'yan." " Si Kuya Adam to ah at 'yung sikat niyang girlfriend. Grabe ang hot niya, siguro kung kasing edad ko lang si kuya malamang ako na nanligaw d'yan." Dugtong pa nito saka ini-abot ang hawak na cellphone. " What did you say, babe?" Na siya namang dating ni Jenny, ang pinakasikat dito sa campus. Mas ahead siya sa amin ni Gab dahil nasa grade 12 na ito at kami grade 11 pa lang. " Alin? wala ah ikaw lang nag-iisa sa akin babe syempre." Mambobola talaga itong kaibigan ko, kanina lang pinapantasya ang girlfriend ng kuya niya, ngayon naman heto't naghalikan pa sila sa harapan ko. First time kung makakita ng naghahalikan ng live sa harapan ko mismo at parang kinikilabutan ako. Kaya hinding-hindi ko talaga gagawin 'yan. " Babe talaga, nakakahiya kay Ellah." Maarteng sabi naman ng girlfriend niya. Mabait naman si Jenny sa akin. Alam niya kasi na magkaibigan lang talaga kami ni Gab, na parang magkapatid na ang turingan namin. " Aalis na ako, sige lang enjoy lang kayo d'yan." Tinalikuran ko sila at nilakad ang mainit na track and field gym dahil masyadong malayo ang gate kung sa hallway talaga ako dadaan. Maraming naglalaro ng PE at ang ilan ay volleyball kaya hindi naiwasang tumama sa aking mukha ang bola nila na naging dahilan ng pagkakadapa ko at pagdurugo ng aking ilong. " Ouch! " hinawakan ko ang basa sa aking ilong at dugo nga ito. Tumingin ako kung nasaan sila Gab kanina pero wala na nga sila kaya walang tutulong sa akin kundi ako lang msimo. " Oh, sorry dear Ellah, mahangin kasi masyado kaya hinangin 'yung ball na hawak ko and malas mo lang at ikaw ang tinamaan, sorry." Siya naman si Precious ang reyna at siga ng batch namin. Sikat din ang pamilya nila kasama ang dalawa pang galamay nito na si Carla at Jullie. " Are you alright, Ellah? Where is Gab? I think he won't be able to help you because he is busy with Jenny, the campus sweetheart." " O my G, I am so inggit talaga kay ate Jenny, imagine Angelo Gabriel Mendez lang naman ang boyfriend." Dugtong naman na sabi ni Carla sa akin. Naka upo pa rin ako at nakapalibot sila sa aking tatlo para lamang sabihin ang bagay na 'yun. Wala man lang gustong tumulong. " Tapos na kayo? baka pwede na ako umalis, chuppe." Pinulot ko ang aking bag at pa kunyaring ihahampas sa kanila kaya sabay-sabay silang napaatras na tatlo. Hindi rin naman ako basta nagpapatalo sa kanila, nangyari na minsan ito sa akin nang wala si Gab sa tabi ko kaya simula noon tinuruan ako nito ng self defence para maipagtanggol ang sarili ko at kahit papaano may alam na ako sa basic, hindi ko lang talaga napansin ang bola na paparating kanina kaya hindi ako nakailag. Tumayo ako at pinagpag ang aking pang upo saka sila tiningnan, magaganda nga pero ang mga ugali, hay ewan. " Hey, Ellah the charity, hindi pa kami tapos sa'yo." sigaw pa nilang tatlo sa akin. " Pwes ako tapos na, kung may problema kayo sa charity na sinasabi ninyo, kay Mr. Arturo Simon Mendez kayo magreklamo, sa Ninong ko." Akala ninyo ha, nakakainis. Inggit ba sila na scholar ako ni Ninong? Mayaman naman sila kaya hindi nila kailangan. Kaya naman imbes na pauwi na ako'y kinakailangan ko muna pumunta ng banyo para tingnan ang dugo sa aking ilong. Nagtagal ako ng bente minutos sa loob ng banyo saka lumabas, ngunit gulat na gulat ako sa taong bumungad sa akin, sa labas ng pinto. " K--kuya?" Sino pa ba ang kuya ko kundi si Kuya Adam. Hindi siya nagsalita at hinawakan na lamang ang aking kamay, at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. " Kuya Adam, bakit ho kayo narito at___ " Stop asking, I have to take you to the clinic first." Medyo galit na tono nitong sabi sa akin. " Po? Hindi na naman kailangan kasi wala lang ito__ " Anung wala," humarap ito sa akin na salubong ang kilay. Teka galit ba siya? Napataas kasi ang boses nito. Labis akong nagugulat sa inaasal ni Kuya Adam ngayon. Minsan ko lang makita at madinig na nagtataas siya ng boses. Napabuntong hininga siya at pumikit saglit saka muli akong kinausap ng mahinaon. " Palagi ba nila ginagawa sa'yo 'yan? si Gab, bakit hindi mo kasama? " mahinaon na nitong tanong sa akin.Pero halata pa rin naman na nagpipigil lang ng galit. " Ngayon lang po kasi__" hindi na niya ako hinayaang magsalita,pinutol na kasi nito ang sasabihin ko ng mga rason niya. " Kesyo ngayon lang o hindi, mali pa rin ang ginawa nila, kaya hindi ko mapapalagpas ang ginawa nila sa baby ko__" Dugtong pa nitong sabi. Teka tinawag ba niya akong baby? Nagpatuloy siya sa paghila sa akin habang ang mga mata ng ilan ay nasa aming dalawa. May mga ilang estudyante kasi ang nadadaanan namin at ang ilan sa kanila ay halatang kinukuhanan kami. Napansin ito ni Kuya Adam kaya huminto ito sa harap ng magandang babae na grade 12 students. Halatang kilig na kilig ito sa kanya. " Hi, Nick. Can we take a picture? " "Are you going to erase it, or are you looking for a consequence? Babalang sabi nito sa babae. " What? oo buburahin kona, gusto lang naman kita kuhanan,sorry Nick." Tinalikuran namin ang babaeng halos maiyak na sa dismaya hanggang marating namin ang school clinic. " Nurse Santillan, tinamaan siya ng bola ng volleyball, please check her up." Utos nito sa medyo may edad na ring nurse. Siguro matagal na ito dito kaya kilala niya. " Okay, Mr. Mendez, halikana Miss Navarro." Pinasok ako ni nurse Santillan sa may higaan sa loob at tiningnan kung hanggang saan ang natamo kung sugat. Nilapatan niya ako ng paunang lunas at tinurukan din ng injection. Pero habang ginagawa niya ito'y bigla kung nadinig si kuya Adam na may kausap sa cellphone. " It's me, I'll send the video and find out the background of each of them, and I want them to be expelled from this school." Nanlaki ang aking mga mata sa nadinig mula sa kanya, kaya mabilis akong lumabas para kompirmahin kung ano ba ang tinutukoy niyang video. " Kuya Adam? anong video po ang tinutukoy ninyo? Sorry nadinig ko po kasi na may ipapa-expel ka? " Tumingin siya sa akin at umamo bigla ang ekspresyon ng mukha na kanina lang ay galit. " Video of what those girls did to you. Those activities are not allowed in this school, so I'm going to kick them out. " Mahinahon niyang sabi habang inaayos ang takas kung buhok. Nagtataka talaga ako sa kinikilos ni Kuya Adam ngayon, " Anu po? Kuya hindi na kailangan, hindi naman nila sinasadya." " Kitang-kita sa video na sinadya nilang patamaan ka Ellah, huwag mona sila ipagtanggol." Naputol ang usapan namin nang lumapit si Nurse Santillan. " Mr. Mendez painumin n'yo lang si Miss Navarro ng gamot na ito para hindi siya lalagnatin." " Salamat po Nurse Santillan." Hinawakan niya ang aking kamay saka ako hinila naman palabas. Maraming naka abang na mga estudyante kaya pinagtitinginan na naman kami. Akala ko si Gab lang ang ganito sa akin pero mas malala pala siya. First time niya itong ginawa at parang nakakatakot siya kung magalit. " Kuya Adam saglit lang po," agaw atensyon ko sa kanya. " What? we need to go home so you can rest, Ellah." Sabi pa niya at nagtuloy-tuloy kami sa parking kung saan naroon ang sasakyan nito. Pinagbuksan niya ako, saka umikot sa driver seat. Ini-start niya ang sasakyan pero nagtataka ako at hindi pa niya ito pinapaandar. First time kung makapasok sa sasakyan niyang ito, maagang regalo daw ng mga magulang niya sa graduation nito, ayon kay Gab. Kaya naman para akong ignorante na ngayon lang nakasakay ng sportscar, kahit ang totoo'y ilang beses na dahil gamit palagi ni Gab ang sasakyan nito. Habang abala ang aking mata sa nakakamanghang loob ng sasakyan nito'y bigla ko na lamang naramdaman ang mainit na buga ng kanyang hininga malapit sa aking mukha. Kaya naman natigilan ako at nagpigil ng hininga sa takot na baka baka amoy pawis na ako at hindi na komportable kaya napapikit na lamang ako dahil sa pagkailang sa kanya. Alam ko naman kasi na ikakabit niya lang ang seat belt ko kaya nang marinig ko na ang tunog nito'y doon ko na lamang idinilat ang aking mga mata sa pag-aakalang lumayo na ito sa akin pero ang totoo hindi pa pala. " Kuya Adam__ " Ellah, can I call you Baby ko?" " Ha? ___ " I mean, baby kasi kita gaya ng turing ko sa mga kapatid ko." Dugtong nitong paliwanag habang ang mukha'y isang dangkal na lang ang layo sa'kin. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango niyang hininga. Nagtataka ako kay Kuya Adam ngayon, simula kasi ng huling eksena namin na kung saan binigyan niya ako ng ice cream ay palagi ko na lang siya nakikita sa mansyon nila at minsan na lamang matulog sa condo niya. Titig na titig ito sa aking mukha. Naiilang tuloy ako lalo na nang halatang sa labi ko siya nakatingin. " Ellah, baby ko," tanong pa nito nang hawakan ang aking mukha. Nag-uumpisa na rin kumabog ang puso ko. Bakit ba siya ganito? " Do you know how beautiful you are baby ko? " Diyos ko, gusto ko na lang maglaho, sa lapit niya sa akin ay baka madinig niya ang nagkakarera sa dibdib ko. Naiilang tuloy ako, pero bakit hindi ko siya maitulak? "Ano ka ba Ellah, may gf na siya at kuya mo siya kaya huwag kang mag-isip ng kung ano." Saway ko sa aking sarili. " Kuya Adam, kasi__" naputol ang aking sasabihin ng maramdaman ko na lang ang kanyang malambot na labi sa akin. Nanlaki ang aking mga mata, habang siya'y nakapikit. Medyo naka awang ang labi ko kaya malaya niyang ginalaw ang labi nito at parang sinipsip ang bawat isa. Kumalas siya. pinagdikit ang aming noo,habang ramdam ko ang mainit na buga ng kanyang hininga. " Ellah baby, you know what I did, right? " Tanong nito sa akin habang magkadikit pa rin ang aming noo. " H--hinalikan n'yo po ako." " I'm sorry, baby I can't help it anymore, gusto ko kasi ako ang unang makahalik sa'yo." Sagot nito sa akin. " Pero kuya po kita__ " Hindi tayo magkadugo Ellah, kaya pwede nating gawin at ulitin." 'Yun lamang ang kanyang sinabi bago ako muli nitong halikan. Alam kung hindi tama ito at kung bakit niya ito ginagawa sa akin ay hindi pa rin malinaw. Pero isa lang ang alam ko at malinaw sa akin. Iyon ay ang katotohanan na may girlfriend na siya at maari itong masira nang dahil sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD