Kabanata 1

1850 Words
Ellah Marie "Ellah anak, aalis ka na? maaga pa," tanong sa akin ni tatay habang nag-aayos ako sa harap ng salamin. "Opo, Tatay, pupunta po ako kanila Ninong." Ang tinutukoy kong Ninong ay ang Tatay ni Gab, ang bestfriend ko mula pagkabata. Mahirap lamang kami pero nasa Village din kami nakatira kung saan ang Village nila Ninong Art. Ang sabi sa akin ni tatay ay dati daw siyang nagtatrabaho kay Ninong bilang kanang kamay nito. Hindi ko na inalam pa kung anong klaseng trabaho ba 'yun pero alam kong marangya naman dahil mabuting tao si tatay at gayo'n din si Ninong Art at Tita Nicole ang mommy ni Gab. Ngayon ay may negosyo si tatay at nanay sa palengke, parang mini groceries. Buwan lang ang tanda ni Gab sa akin. 18 years old na siya at ako naman ay tatlong buwan pa mula ngayon. Malaki ang lupang nasasakupan ng bahay nila Ninong sa Village na ito kaya ang ibang bahagi nito ay ibinigay niya kay Tatay. Hindi lang lupa kundi pati bahay. Gusto pa nga nila na patayuan ng malaki gaya ng bahay nila na mansyon. Pero nakiusap si Tatay na kung pwede iyong sakto lang daw sa amin. Apat lang naman kami. Si nanay at tatay at ang bunso kung kapatid na nasa edad limang taon. Matagal bago ako nagkaroon ng kapatid kaya tuwang-tuwa ako nang maisilang si Maria Eleonor. At ako naman si Ellah Marie Navarro. ‘Di ba parang binaliktad lang ni nanay at tatay ang pangalan namin ng kapatid ko. Kaya dahil sa pakiusap ni Tatay at Nanay ay walang nagawa si Ninong. Siya ang nag disenyo ng bahay namin na angkop lang para sa amin. Dati noong maliliit pa lang kami ay walang harang o pader ang bahay namin sa bahay nila. Kaya palagi kaming naglalaro ni Gab at ni Ate Mira sa treehouse na ginawa niya para sa amin. Ngunit dahil sa nagdaang bagyo noong nakaraan dalawang taon ay tuluyang nasira ang treehouse namin. At simula noon pinalagyan na ng pader ni Tatay at Ninong ang nagdurugtong sa bahay namin at mansyon nila. Nagalit at nagtampo si Gab noon sa daddy niya at gayon din ako kay tatay. Pero ang sabi niya malaki na raw kami kaya bawal na daw ang mga larong ginagawa namin ni Gab lalo na at binata at dalaga na raw kami. Parang kapatid at Kuya ko na rin si Gab lalo na ang pinaka Kuya nila na si Kuya Adam. Napakabait sa akin ni Kuya Adam. Noong maliit pa lamang kami'y siya ang nagpapakalma at nagpapatigil sa akin kapag umiiyak ako. Minsan kasi naririnig kung nag-aaway at nagsisigawan si Nanay at Tatay. Kaya kapag wala si Gab ay si Kuya Adam ang siyang nagpapatahan sa akin. Binibigyan niya ako palagi ng chocolate at ice cream na strawberry flavor kaya nawawala ang tantrums ko at napapalitan ng saya. Kinakantahan niya rin ako habang tumutugtog siya ng gitara sa tree house na nagsilbing malaking alaala ng kabataan ko. Pero pansin kong parang nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Kuya Adam. Hindi na kasi niya ako gaano iniimik at pinapansin, hindi gaya noon na palagi siyang nariyan lalo na kapag inaaway ako ni Gab at inaasar ng taba. Tumaba kasi ako noong tumuntong ako ng second year high school kaya simula noon hindi na rin ako kumakain ng mga paborito kong chocolate at strawberry ice cream. Lalo na kung hindi galing kay Kuya Adam. Siya kasi ang lagi kong naalala kapag nakakita ako, pero simula nang hindi na niya ako gaano ini-imik ay umiwas na rin ako sa kanya. Palagi pa rin naman ako naroon sa kanila para puntahan si Gab. Kaya lang pati siya'y hindi ko na rin masyado nakakasama lalo na nang magsimula siyang mag binatilyo. Nag-iiba na rin kasi ang hilig niya na hindi ko masakyan. Nagkaroon na rin siya ng ibang kaibigang lalaki kaya palagi niya itong kasama sa basketball at panliligaw, nagtatampo na ako minsan. Miss na miss ko na 'yung noon na ako lang lagi ang kasama niya, kahit puro laruang pangbabae ang nilalaro namin. At lalo miss na miss ko na rin si Kuya Adam na naglalambing sa akin at pinapasaya ako kapag malungkot ako. Kaya simula noon hindi na ako kakain ng strawberry ice cream kung hindi galing kay Kuya Adam. "Anak kumain ka mo na," aya sa akin ni Nanay. "Nay, doon na lang po," sagot ko kay Nanay habang narito pa rin sa harap ng salamin. "Ang anak natin dalaga na, nakita mo at halos isang oras na riyan sa salamin, samantala galing na siya sa taas." Isang oras na ba ako dito sa salamin sa sala namin? Hindi kasi ako mapakali sa suot ko. Bigay sa akin ito ni Tita Nicole noong nakaraang Pasko. Simple dress lang naman ito pero hapit sa aking katawan. "Nay, hindi naman po sa ganoon, pero parang tumataba na po ako ulit, tingnan n'yo po ang sikip na sa dibdib." Pangalawang gamit ko pa lang ito at una noong Pasko. Ang sabi ni Nanay gamitin ko na raw baka mapaglakhan ko dahil malaking bulas daw ako kaya ngayon ko naisipan pero ang sikip na. "Anak hindi ka tumaba, ang tawag d'yan ay pagdadalaga, ang babae nagkakaroon ng regla at kasabay noon ang paglaki ng dibdib," sabi pa ni nanay nang lumapit ito sa akin. "Ganoon po ba? magpapalit na lang po ako,” aniko at pupunta na sana sa kwarto ko pero pinigilan lang ako ni Tatay. "Hindi na, ang ganda-ganda nga ng anak ko." Niyakap ako ni Tatay at gayon din si Nanay. "At ang bango-bango pa, amoy baby paamoy nga ng kilikili anak." Si Nanay na itinaas pa ang aking braso maamoy lang ang kilikili ko. "Nay, Tay, hindi na po ako bata magdise-otso na nga po ako." "Kaya nga anak, malapit ka na magkaroon ng kasintahan kapag nag dise-otso ka na,” tinig ni Tatay na parang nagtatampo. "Tay mag-18 years old lang po ako at wala po akong balak magka-boyfriend." Nagkatinginan si Tatay at Nanay sa sinabi ko bago nila sinang-ayunan ito. "Tama! dapat lang naman bawal," panabay nilang sabi. "Dapat at saka po magtatapos ako ng pag-aaral para hindi nakakahiya kay Ninong at Tita Nicole." Bukod kasi sa bahay at at lupa ay sila din nagpapa-aral sa akin kung saan nag-aaral ang mga anak nila. Pwera na lang kay Ate Mira at Kuya Adam na kolehiyo na kaya sa University sila nag-aaral kung saan nag-aral noon si Tita Nicole at Tita Trice ang kaibigan at bestfriend ni Tita at balita ko doon na rin daw ako mag-aaral pag nasa kolehiyo na ako kaya hindi ko ito sasayangin. "Sige na po aalis na ako, may gagawin pa kaming project ni Gab." Humalik ako kanila nanay at tatay bago lumabas at tinungo ang isa pa nilang gate na maliit, katabi lang ito ng gate namin. Ang malaki kasi ay nasa kabila. Ginagamit lang nila kapag may okasyon o party sila. Inayos ko muna ang aking suot bago sana pipindutin ang doorbell pero bigla itong bumukas at si Kuya Adam ang nabungaran ko. Mukha itong nagmamadali pero natigilan ng makita ako. Ngayon na lang nangyari na makita ko siya ng malapitan at ngayon na lang kami nagkita dahil madalas ito sa condo niya natutulog kung saan malapit ang University niya. "Good morning po, Kuya Adam,” masayang bati ko. Kinabahan ako bigla nang masilayan kong muli ito. Naalala ko dati kapagka nakikita ako'y hinihila nito ako sa treehouse para iparinig ang bagong kantang nabuo niya, at pagkatapos n’on sabay kaming kakain ng ice cream kasama si Gab at ate Mira. "Good morning," simpleng sagot niya. Pero naiilang ako kung paano niya akong tingnan, halata kasi na pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa at hindi nakaligtas sa kanya ang suot kong damit. Hindi ako makapasok dahil nakaharang ang malaki niyang katawan. Hindi pa rin niya kasi tuluyang nabubuksan ang gate at sarado naman ang maliit kung saan kasya lang ang isang tao. "Kuya may dumi po ba ako sa mukha?" di ko mapigilang tanong. Titig na titig kasi ito sa aking mukha. Kaya kinabahan na ako’t baka pagalitan ako nito dahil sa suot ko, pero iba pala. "Oo may muta ka pa kaya pumasok ka na, nasa loob si Gab." Niluwagan niya ang gate at tuluyang binuksan ang isa pa. Palagay ko aalis na siya papuntang school, nabalitaan ko kay Gab na ngayon daw ang araw ng propose niya sa girlfriend nito kaya masaya ako para sa kanya. Pumasok ako ng bahagya at tinanggal ang muta sa mata na sinasabi nito na labis kong pinagtatakhan dahil wala naman ako napansin kanina. "Talaga po? Naku! aasarain na naman ako ni Gab nito." Patuloy lang ako sa pagkuskos sa aking mata nang tawagin niya ako. "Ellah lapit ka nga," tawag nito sa akin kaya nilapitan ko na rin siya dahil ngayon na lang ako ulit nito binati at kinausap ng ganito ka tagal. "Bakit po?" tanong ko. Lumapit na lang din ako ngunit nagulat sa ginawa nito. Kinuha kasi niya ang panyo upang punasan ang aking mga mata. "Ako na po sa loob—” "Ako na para hindi ka na aasarin ni Gab,” pigil niyang sabi. Napangiti naman ako at sumaya dahil bumalik na ang dati kong kuya na malambing sa akin. Kaya naman ipinikit ko na lang ang aking mata at hinintay ang kanyang hudyat. Ngunit habang ginagawa niya ito'y amoy at dama ng aking balat ang mabango nitong hininga. Pati na rin ang init ng kanyang binubuga na para bang kay lapit niya lang sa akin. "Ayan tapos na." Binuksan ko ang aking mga mata at naabutan pa siyang kalalayo lamang nito sa akin. Nginitian ko siya ng matamis gaya ng ginagawa ko noon. "Sige Kuya, ingat po kayo at good luck." 'Yon lamang ang aking sinabi at tinalikuran agad siya. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Para akong nalulungkot sa kaalamang magpo-proposed na siya sa girlfriend niya. Nami-miss ko na kasi ang dati kong Kuya Adam na mabait at malambing sa akin. Siguro gano'n talaga pag may kasintahan na, gaya ni Gab na nahuli kong kahalikan ang classmate namin na gaya niya ay parang artista na rin dahil sikat ang mga magulang nito. At ako si Ella na simple lamang pero palagi paring pinag-iinitan at kinaiinisan lalo na ng mga babae dahil dikit daw ako palagi sa pamilyang Mendez. Hindi ko na lamang sila pinapansin, wala naman ako ginagawang masama. Hindi ko naman kasalanan 'yon. Iniisip ko na lang paano pa kaya kung maging kasintahan ang isa sa kanila? Iniisip ko pa lang ay tumatayo na ang balahibo ko sa takot na baka masugod ako ng mga fans nila na kung hindi lang bawal pumasok ang outsider dito sa Village ay baka gabi-gabi may natutulog sa labas ng gate nila para lamang masilayan ang mga ito. Sa bagay ang gu-gwapo naman kasi at ang ganda ng lahi nila Ninong Art at Tita Nicole. Magmula kay Arries, ang kambal na halatang chickboy kahit mga bata pa. Ang bestfriend ko si Gab. Si Ate Mira na sobrang ganda at syempre si Kuya Adam. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD