"Ano bang ginagawa natin dito?" usisa ko kay Ieshia. Nasa sasakyan niya kami, nagpapalamig sa aircon nito habang naghihintay sa 2nd floor ng parking area ng building na pinuntahan namin dito sa Makati. "I have to meet with someone before we go home," mailap niyang sagot. As always, mysterious pa rin siya. "Do'n ba 'ko matutulog sa condo mo?" curious kong tanong. Lakas naman kasi makasagot ng 'before we go home'. "You were going to paint for me, right?" "So iuuwi mo nga ako?" Binalingan niya ako habang nakangisi, ang ngisi na isa sa kinahumalingan ko sa kaniya. Dahil hindi ko alam kung matagal pa kami rito, binuksan ko ang bluetooth car stereo. Sa totoo lang, hindi pa nga ako sigurado kung kaya ko nang magpinta uli. Isa iyon sa insecurities ko, na hindi ko kayang gumawa ng obra na

