Hindi na 'ko nagulat nang ipatawag ulit ako ni Mommy sa office.
Hindi pa rin umuuwi si Alphonse pero nakatanggap ako ng text mula kay Monique na pinapapunta ako ni Chiara sa Angelus Financial Corporation.
Sinasabi ko na nga ba. Magkakakonekta ang mga nangyayari nitong nakaraang araw. Lahat ito pakana niya.
Umupo ako sa sofa. Medyo maalikabok, wala naman kasing nananatili nang matagal dito. Binuklat ko ang folder na ibinigay ni Mommy noon.
Detalye lang naman tungkol sa narcotics anonymous dito sa 'Pinas. Meeting place at schedule, saka brief history.
Napairap ako at inihagis sa coffee table ang mga papel. Like hell I would join a self-pitying bunch.
Sinandal ko ang ulo sa backrest ng sofa; tumingala sa kisameng pinamamahayan ng mga sapot.
Ilang segundo lang at tumayo ako. Pumunta ako sa kwarto, kung na saan ang negative painting ko. Tinitigan ko 'yon. Matagal—mga dalawang minuto.
Hanggang sa tanggalin ko ito at ibaba sa sahig. Bumalandra ang secret stash ko. Naroon ang natitira kong cocaine. Bale may dalawang pakete pa ng coke.
Aligaga kong pinapadyak nang mabilis ang paa ko sa sahig. Naii-stress ako sa mga nangyayari. Kailangan ko 'to.
Pero kagagamit ko lang, at wala na 'kong supplier. I need to use these wisely.
With a heavy heart, binalik ko ang painting sa kaninang pwesto nito at pumunta sa office ni 'My.
As expected, busy na naman siya. May meeting yata. Sa kompanyang ito na umiikot ang buhay niya. Hindi na naman nakapagtataka dahil sobrang successful nito. It's a multinational insurance company and financial services.
Naghihintay ako sa lobby nang may lumabas na matandang babae na naka-formal attire sa opisina ni Chiara.
Kasunod niya ang mommy ko, tapos nag-beso silang dalawa. "I'll wait to hear from you soon, Divina."
"As soon as I can."
Pagtalikod ng babae, confirmed nga na si Divina Ferrer ito. Kliyente si Mommy ng law firm nila.
Pag-alis niya, lumapag ang tingin sa 'kin ni Chiara. Hindi ito iyong malamig na titig na nakakapagbigay chills sa 'kin. Iba ito.
Katulad ito ng tingin niya noong inamin ko noon ang s****l preference ko—disdain. Pure disdain.
Napalunok ako.
Walang salitang pumasok siya sa opisina. Sumunod ako nang tahimik.
Sinarado ko ang pinto sa likod ko. We weren't halfway inside when she already spoke.
"I thought I made it clear that I wanted you to attend that support group."
Umupo siya, kumalumbaba sa likod ng mga palad.
Alam kong sa mga ganitong pagkakataon ay hindi na dapat ako sumagot. Letse naman itong dila ko, may gusto laging patunayan. "Hindi mo naman hiningi ang opinyon ko."
"Alam mo kung bakit? Kasi twenty-five years old ka na, iresponsable ka pa rin. Isang pendejo! Kung wala ako, malamang nagkanda-letse letse na ang buhay mo!"
Hindi ko maalala kung kailan ang huling beses na sinigawan niya ako nang ganito. Mukhang galit na nga talaga siya.
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Mabilis akong pumikit nang mariin. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan at hayaang manalo siya.
"Never akong humingi ng tulong sa 'yo. Ikaw lang 'tong control freak na bawat aspeto ng buhay ko, pinapakialaman!" Hindi ko na rin napigilan ang sarili na magtaas ng boses.
Mas mainam na rin 'to. Anger has always been used to patch up our cracks—our brokenness.
Huminga siya nang malalim. Pinlantsa niya ng kamay ang blusa niya kahit wala namang gusot. "If that's true, Callie, I wouldn't let you live in that dumpster you call home. You wouldn't be playing around with those sluts. And most definitely, you wouldn't be wasting your talents working in that clinic." Umupo siya.
Balik na siya sa sarili niya, isang robot.
"Ano bang gusto mo sa 'kin?" I resigned. Pagod na 'ko sa mga laro niya.
Alam ko namang bandang huli, makukuha pa rin niya ang gusto niya.
"I want you to be better. Huling beses ko na 'tong sasabihin, pumunta ka sa NA. If you screw up again, I will personally make sure that the clinic you work at will close down."
Hindi iyon pagbabanta, it was a fact. Hindi man masasabing best mother si 'My, pero hindi siya nagsisinungaling.
Sumunod na araw, wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya.
Sa Makati City lang din naman ang meeting. Kaso ang aga, 7:45 am, kaya malamang ay late na 'ko dahil lampas alas otso na. So I just threw on a casual shirt, skinny jeans and boots. Hindi ko na rin naayos ang kulot kong buhok.
May nakalagay na contact person pero dahil first time ko at kinakabahan ako sa ganito, hindi ko muna tinawagan. Mabuti nang tingnan ko muna ang mga mangyayari.
Hinanap ko iyong nakalagay na coffee shop sa Greenbelt 5. I parked my gray Chrysler Town & Country minivan.
Papasok na ako sa coffee shop nang mapansin ko ang babae roon sa bandang pintuan. Matangkad—nasa 5'8"— sexy at morena. Nakatagilid siya habang sinusubukang sindihan ang sigarilyo sa bibig niya. Nakasuot siya ng cream-colored cardigan sa ibabaw ng puting tank top.
Naglabas ako ng lighter. "Miss?"
Lumingon siya sa 'kin. Ngayon lang ako nakakita sa personal ng matang prominente ang pagiging brown. Para itong melted chocolates.
At ang over-all profile ng mukha niya... damn. Parang gusto kong bumalik sa pagpinta at gawin siyang subject ng bawat obra ko.
Ngumiti siya. Nalaglag yata ang panga ko. Para siyang porselanang manika—maganda, ngunit sa gandang taglay nito ay nakatatakot hawakan.
Sinindihan ko ang sigarilyo niya.
Humigop siya... tapos bumuga. Putik, hindi naman dapat sexy tingnan ang pagsisigarilyo, 'di ba?
"Thank you," sabi niya.
Tang ina. Boses pa lang, lalabasan na yata ako. May pagka-deep pero feminine pa rin ang dating.
Tumango ako, para cool kunwari kahit nanginginig na ang kalamnan ko sa sobrang hot niya. "Bawal na 'yan a. May smoking ban na kaya," biro ko. Natuon na kasi sa kung ano man ang nasa harap niya ang atensyon niya.
Saglit siyang tumingin sa akin at bahagyang ngumiti. Parang nagpa-palpitate ang puso ko kahit hindi pa 'ko nagkakape.
"Well, I'd like to see them try messing with a lawyer."
Sumipol ako in response. Kaya pala ganyan ang awra niya, abogado pala.
"Politician nga nadadale, ikaw pa kaya?"
Finally, nakuha ko na rin ang buong atensyon niya. Humarap siya sa akin.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sanay naman na akong makipaglandian pero ewan ko ba, para akong napako sa kinatatayuan sa tingin niya.
Ngumisi siya. Namatay ako. "Hindi mo naman ako isusumbong, 'di ba?" Buga ng usok.
Naparalisa ako. Lumalandi rin ba siya pabalik?! Iyon ang tanong na paulit-ulit sa isip ko.
Nilaglag niya ang sigarilyo at tinapakan ito, saka siya tumalikod para pumasok sa coffee shop.
Natauhan ako. s**t. Iyong NA nga pala.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong asahan pagpasok. Hindi ko nga alam kung ano ba dapat ang hitsura ng mga 'yon. Ayaw ko namang manghusga dahil kung ibang tao ako, hindi ko rin naman siguro maiisip na may matinding bisyo pala ang isang Callie Veron Angeles.
Wala masyadong tao sa loob. Actually, wala talaga bukod doon sa grupo na naka-bilog sa isang lamesa. Para akong nasusuka nang makita ang seryosong mga mukha nila habang nakikinig doon sa isang nagsasalita.
Siguro sa susunod na lang ako pupunta.
May lalaking nakapansin sa akin. Disenteng tingnan, naka-button up polo. Tumayo siya at naglakad papunta sa direksyon ko. s**t ulit.
"Can I help you?" tanong nito.
Nakatingin na sa amin ang grupo.
"U-uh... ano kasi... um..."
Ngumiti siya. Iyon bang ngiti na umiintindi. Maghunos-dili ka, Callie. "Nandito ka para sa NA meeting?"
Tumango ako. Hindi naman ako mahiyain. Makapal nga ang mukha ko e. Pero nakakailang kasi talaga.
"Come on." Nilagay niya ang isang kamay sa likod ko para igiya ako sa table nila. "I'm Marc Lastimosa. You're welcome here."
Humila siya ng isang upuan. Tumango siya sa akin para umupo ako roon. Umupo si Marc sa tabi ko.
"Pwede ka bang magpakilala?" sabi niya. "You can use a codename kung hindi ka komportable."
Hindi kaagad ako nakasagot. Ano nga bang dapat kong sabihin? "Caliber," sabi ko na lang nang maalala ang Alphonse na 'yon.
Tutal siya rin naman ang dahilan kung bakit ako nandito.
Panay 'nice to meet you' ang mga taong nasa bilog. Ang awkward lang. Feeling ko sumali ako sa isang kulto. Parang ang bait nila masyado.
Isang tao lang ang hindi nagsalita. Saka ko lang din siya napansin.
Nakaupo sa bandang gilid ang chicks na abogadang pinagsindihan ko ngsigarilyo.