"Sa'n mo naman ako dadalhin sa date?" tanong ko pagkalabas namin ng fast food restaurant, dala lamang ng kuryosidad. "Gusto mong malaman?" pilya niyang balik. "Alam ko na susunod mong sasabihin." Tinanggal ko ang braso niya sa pagkakaakbay sa akin. Hinalugad kaagad ng mata ko ang sasakyan niya. Syempre, ano pa ba gagamitin niya papunta rito? "Para malaman ko, mag-date tayo? Sabi ko naman sa 'yo, hindi uubra smooth moves mo kasi babaera rin ako." Lumapag ang paningin ko sa kumikinang na pulang Aston Martin. Naglaway ako sa nakita at napatakbo sa direksyon niyon. Pasasakayin kaya niya 'ko? Hindi ko naman na siguro kailangan isangla kaluluwa ko para rito, ano? Kasi gagawin ko talaga. Kalmado lang siyang naglakad papunta sa amin ng baby niya, pero parang catwalk model pa rin ang dating.

