Chapter 38: (Saica's POV) "Sa New Bilibid Prison." Tinanguan ko lamang ang pulis na kaharap ko. Hindi ko matandaan ang pangalang ipinakilala niya sa akin dahil isa lang naman ang nasa isipan ko ngayon: bakit ang ganda ko? "Gusto mo bang malaman kung bakit biglaan ang hatol na 'to sa 'yo? Ni hindi ka manlang nailagay sa Death Row. Papatayin ka agad-agad." Nagkibit-balikat ako. Nandito pa rin ako sa loob ng kulungan at wala akong pakialam kung sino ang kumakausap sa akin na 'to. Kakatapos ko lang din kumain ng last meal ko. Gusto raw akong makita nila Saki ngunit bawal na talaga. Tse. Wala na akong pakialam kung kailan at saan ako papatayin. Wala rin akong pakialam kung nalalabi na lang ang minuto ko dahil mamaya ay mamamatay na ako. "Maganda pa rin naman ako, 'di ba?" tanong ko saka

