[1 1 Y E A R S O L D S A I C A ] "Sagutin mo ako, Saica. Hindi naman ako magagalit sa 'yo katulad ng mama niya." Nakangiti siya at halatang inaamo niya ako. Tinitigan ko ang mukha ng pulis sa harapan ko. Kanina niya pa ako tinatanong pero hindi ako sumasagot. May folder din na nakapatong sa lamesa na nasa aking harapan. Pictures ng bangkay ni Mimi. 'Yong maarteng Amerikanang bata na lagi akong inaagawan ng laruan. Hindi naman maganda ang balugang iyon, maputi lang siya pero mukha siyang kulang sa breastfeed. I crossed my arms, "I can't stand her whining." "So, you killed her? 'Yan ang dahilan mo?" Gulat ang nakarehistro sa mukha niya. Ngumuso ako at napasandal sa upuan, "I was just practicing my cooking skills." "You were just practicing your cooking skills by stabbing her to

