DAHIL alam ni Lyndon na hahanapin ng nanay niya si Princess Grace, minabuti niyang hindi muna dumaan doon. Nagpatanghali siya bago bumiyahe at sa class reunion na tumuloy. Madali naman niyang nahanap ang bahay nina Alejo kung saan gaganapin ang party. Pero hindi niya magawang maging lubos na masaya sa reunion. Lahat ng mga kaklase niya ay hinahanap si Princess Grace sa kanya. At dahil nanghihinayang siyang hindi ito sumama, dumating ang puntong nabo-bore na siya sa kakasagot sa tanong ng mga kaklase. “Pare, okay ka lang?” tanong ni Alejo na hindi niya namalayang lumapit sa kanya. Pilit siyang ngumiti. “Oo naman.” “Hindi ka kasi nakikihalubilo, eh,” puna nito. “May tumawag sa akin. Medyo may problema sa trabaho,” pagdadahilan na lang niya. “Mag-enjoy tayong lahat, pare. Ang tagal nati

