Ang ingay ng kwarto ko ngayon dahil nandito si Nina at Ricardo para ayusin ang mga gamit ko. Pinayagan na kasi ako ng doctor ko na makauwi. Kaya ang dalawa ay walang pag sidlan ng tuwa nila. Sa Laguna ang tuloy namin doon sa bahay ko matagal ng natapos ang renovation noon pero ngayon palang ako makakapuntang muli doon. Sabagay sa dami ng nangyari sa buhay ko ay hindi ko na talaga maiisipan pang mamasyal. Napabaling ako sa kamay ko ng tumunog iyon. Isang bracelet ang nakalagay doon na may disenyong isang bell, puso at bituin. Nagising akong nakalagay na ito sa kamay ko. Tinanong ko ang dalawa tungkol dito pero sinagot lang nila ako na hindi rin daw nila alam kung paano ito napunta sa kamay ko. “Hoy, ayos ka lang Elle? Tumatawa ka na naman mag-isa. Magsabi ka nga ng totoo nababaliw ka na

