Sa buhay ng tao minsan ay hindi mo mapapansin ang mahahalaga o mabubuting taong dumarating kapag nakasabay nila ang mga taong akala mo ay kailangan mo. Sila yong malalaman mo ang halaga kapag naiwan kana ng lahat. Kapag sila nalang ang meron ka. Bilang lang taong nakilala ko sa buhay ko pero lahat sila nag-iwan ng kkaaibang marka sa akin. Marka na kahit anong mangyari ay hindi na mawawala. “Hey,” nagising ako sa mga haplos sa pisngi ko. Hindi ko namalayang nakaalis na pala ang mga kaibigan ni Dustin habang tulog ako. Nagiging antokin na ako kanina lang ay nakikipag kwentohan pa ako sa kanila. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang pinapanood silang magkwentohan. “Uuwi na ba tayo?” Unang bungad ko kanya kaya natawa ito. Inip na inip na akong nandito lang sa ospital at nak

