Bagsak ang balikat habang tinitingnan ko ang bahay namin. Sumabog ang inayos na tubo ni Dustin ngayon ay baha ang buong bahay ko. Gustohin ko mang makitulog kila Nina ay wala siya at umuwi sa parents nila. Si Rica naman ay nasa Masbate parin at nasarapan na yata ang bakla doon. Parang gusto ko nalang maglupasay doon sa kalsada sa sobrang prustrasyon ko. Gusto giniginaw na ako dahil nabasa ako kanina, pero hindi ko magawang magpalit dahil lahat ng gamit sa loob ng bahay ay basa. Mabuti nalang at automatic ang switch ng kuryente sa bahay kaya hindi kami na disgrasya. Sinubokan ko namang tawagan ang Nanay ko may party daw siya hindi ako pwede. Ang kapatid ko ay ganoon din maghotel nalang daw ako dahil marami naman daw akong pera. Sana all nagiging masaya dahil maraming pera. Sinilip k

