HINAHAMON MO BA TALAGA AKO!

1672 Words
Ilang tawag at message na ang natanggap ni Berta ngunit hindi niya iyon lahat sinagot,alam niya kasing pare parehas lang ang mga laman ng mensahe.Ang mga pangungulit at panunumbat na ayaw na niya marinig lalo na ang pagbibintang sa hindi naman niya ginawa.Ilang kumpanya na ang kanyang inaplayan ngunit hanggang ngayon ay wala paring timatanggap sa kanya.Hanggang sa buksan niya muli ang laptop sa pag asang may nag email na sa kanya.Maganda naman ang kanyang tinapos nakapagtataka lamang na walang tumatanggap man lang sa kanya.Sabagay sino ba naman ang atat na tumanggap sa isang fresh graduate.Ang mga katagang nilumot na ng panahon.We need someone who's familiar on the Job atleast 2 to 3 years experienced."So paano siya magkaka experience kung ayaw siyang tanggapin!Asan ang logic dun?"Hanggang sa pagbabasa niya'y napunta siya sa kanyang spam folder at napatakip sa kanyang bibig.Tanggap na siya!Ilang buwan din siyang naghintay,halos hindi niya alam kung ano ang mga nanagyayari dahil siya ang dapat lapitan ng opurtunidad ngunit parang nagiging maalat ngayon ang pagkakataon sa kanya.Ang kanyang naipon mula sa salapi hanggang sa ibang asset tulad ng condo ay ibinenta niyang lahat upang maging cash at ng sa gayon ay may maisauli pa siya sa kaibigan niyang putik!Magsisimula siyang muli.Bukas na bukas di'y hahanap siya ng malilipatan.Kaya niyang bumalik sa hirap.Sanay siya doon kaya 'wag siyang pagmamala- kihan ng lalaki.Ito ang dapat mahiya sa kanya!. Kinabukasan ay handang handa na si Berta sa kanyang lakad papunta sa pagtatrabahuhan.ibinigay na niya ang kanyang best outfit at kumpiyansa.Muk- ha siyang ismarte ngayon sa hitsura niya.Bakit ba'y smart naman talaga siya!Ito na.Isang higanteng building ang nasa harapan niya ngayon.Ito ang tutulong sa kanya upang mabayaran ang malaking pagkakautang nya sa kaibigang putik! Hindi inaasahan ni Berta na sa laki ng kumpanya ay ganoon ganoon lang siya natanggap."Sabagay,kita naman sa mga credentials niya ang kanyang taglay!"Sa susunod na linggo ay maari naraw siyang mag umpisa.Pagkauwing-pagkauwi niya ay inihanda na niya ang halos lahat na kailangan niyang niyang isauli.Ang mga pinagbentahan ng kanyang sasakyan,condo at ilang naipong pera,noon ay tinawagan na niya ang walanghiyang si Drako.Ilang ring lang at agad sumagot ang nasa kabilang linya."Hello!Imessage mo sa akin ang bank account details mo at ngayon din ay ipadadala ko sayo lahat ng mga sinisingil mo sa akin,kasama na pala ang tubo diyan dahil yung mga ibang inipon ko ay pinagsama-sama ko na diyan!Mula sa araw na ito at sa hinaharap ay ayaw kona sanang magkita,magkausap o magkabang-gaan man lang ang ating mga landas,pinuputol kona ang lahat-lahat ng may kaugnayan sa ating dalawa,kalimutan mo narin lahat ng pinasamahan natin,walang kahit sino sa atin ang dapat manghinayang."Tuloy-tuloy na litanya ni Berta sa lalaking hindi naman nakakibo sa kabilang linya at pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinagbagsakan na niya ito ng telepono.Umaalon ang kanyang dib-dib matapos niyang sabihin ang mga gusto niya.Ito na ang kanyang bagong simula.Magsisimula siya halos sa wala.Kailangan niya naring maghanap pansamantala ng mauupahan sa kanyang panimula.Bukas na bukas di'y maghahanap agad siya.Kinabuksana pagbangon ng dalaga'y kaagad niyang binuksan ang email.Walang laman!Hindi siya maaring magkamali,ipinasa nya trough MMS ang kanyang email dito.Hindi pa ito sumasagot."Hindi kaya nakonsensya ito at hindi na balak maningil pa?"Medyo gumaan ang kalooban ng dalaga sa isiping iyon upang madismaya lamang sa kanyang message request dahil narin sa bagong nagpapa friend sa kanya.Walang dilit iba kundi si Drakong Drakula!"Hayun!At buong ka cheapang minessage siya sa messanger"Naroon ang mga detalyeng gustong malaman ng dalaga at isinulat iyong lahat ng lalaki.Bumuntunghininga naman si Berta at tuluyan ng tinanggap ang katotohanan.Ang hindi niya tinanggap ay ang friend request nito."Bakit pa,e hindi na naman na sila friend, bwiset!"Sisilipin sana niya ang profile ng lalaki ngunit nadismaya siya sa nakita."Hummmp!May pa lock lock pa ang unggoy na putik!I-lock ko ngarin yung akin para patas!"At dumeretso na ng bangko ang dalaga. ... Kahit nararamdaman ni Drako na parang mali ang diskarte niya ay wala siyang magagawa dahil may pag gagamitan siya ng pera.Dahil nga sa pagkalugi ay kakailanganin niya ito pampuhunan!Aminado siya na pagdating sa pag bubusiness ay mukhang malas yata siya."Ito na ang huling baraha niya,ewan kung mabigo pa siya rito!Kailangan niyang manalo,kung hindi'y mapapahiya siya sa kanyang ama.Kailangan bago niya alukin ng kasal si Denise ay may matatag na siyang business at upang hindi na siya umasa sa impluwensya ng ama.Mula ng mawala ang ina ay para narin siyang napilayan balak sana niya noon na hanapin ang kaibigan upang humingi ng lakas ngunit wala na siyang balita rito.Ang huling kita niya rito noong araw na iyon.Gusto sana niyang lubos na makahingi ng tawad dito noon ngunit parang ayaw yata ng pagkakataon,ngayon siya nag sisisi kung bakit hindi niya ginawa,disin sana'y hindi ito kumagat sa kung anoman ang inoffer dito ng ama dahil narin sa galit siguro sa kanya.Kung hindi lang nangyari ang lahat ng ito ay may maaasahan siyang kaibigan.Dito sa nabili niyang property siya magtatayo ng opisina,Dito siya magsisismulang muli. Saka nalang sila maguusap ni Berta sa tamang panahon. ... Napangiti si Berta habang iniikot ang mata.Maaayos at maganda ang napili niyang lugar.Noong una'y balak niya lang mangupahan subalit parang nananadya namang nakita niya sa isang poster itong apartment na ito,noong tinawagan niya ang numero nakipagkita agad siya at nakipagkasundo sa may ari ng nagbenta,malapit sa lahat at pwedeng magnegosyo rito kung sakali,dahil matao ngunit hindi naman magulo,halos nasa b****a sila at nasa kalye rin.Hindi mo tuloy matiyak kung ito ay talagang pang residence o pang business,nakatyamba talaga siya!Mag aayos-ayos na siya upang makapaghanda narin sa bagong yugto ng kanyang buhay.Pagkatapos ng mahabang paglilinis ay pag aayos ng mga bagay bagay ay inabot na siya ng halos alas sais narin ng gabi,dali dali siyang nagbihis upang makasaglit muna sa robinson na malapit din sa lugar upang makapag grocery narin siya. Habang namimilo ng mga bibilhin ay nabundol ng kung sino ang kanyang shopping cart dahil nakatingin siya sa cellphone ng sandaling iyon,doon kc nakasulat ang kanyang mga bibilhin,ng halos himatayin siya sa nakita.Nasa harap ni Berta ngayon ang pinaka huling lalaki na gusto niyang makita sa mundong ito. "Anong ginagawa mo rito?"Hindi napigilang masambit ng dalaga. "Ewan!Namimili ring gaya mo."Seryosong sabi ni Drako." Imbes na muling sumagot o mag usisa si Berta ay nag aboutface siya at parang walang nakitang lumayo sa lalaki.Iwas na iwas siya at malayo pa ang iniikutan niya bago siya pumunta sa bawat puwang ng mga bilihan.Nang kukunin nya na sana ang isang bagay na nasa itaas ay nahirapan siya.Nang sa ilang pagtatangka ay hindi niya parin maabot kaya luminga siya upang magbakasakali na may mataang salesman ng may umabot niyon para sa kanya.Nakahanda na sana ang kanyang ngiti ngunit ng makita niya kung sino iyon ay agad itong napalis. "Ano nanaman ang ginagawa mo rito?Hindi ba't sinabi kona sa iyo na ayaw ko ng makita ang pagmu- mukha mo uli?"Gigil na sabi Berta sa lalaki. "Maliit lang ang mundo Berta.Gustuhin mo man ay hindi nangyayari."Malalim na sabi ni Drako na may malalim na boses. "Kahit pa!Lumayo ka sa akin!Hindi ko kailangan ang tulong mo!"Sabi ni Bertang hindi maitago ang inis. Muli na naman tumalikod ang dalaga kay Drako pagkasabi niyon. Pagdating ni Berta sa cashier ay pumila agad siya sa tingin niyang pinaka maiksi.Huli na ng mapuna niyang nasa harapan na naman niya ang lalaki.Dahan dahan itong lumingon sa kanya.Inirapan naman niya ito kaagad."Bakit ba'y ito na ang pinaka maiksing pila"Isip isip ni Berta.Habang nakatalikod ang lalaki ay hindi napigilang tignan ito ni Berta,Magandang lalaki parin talaga ito at kahit brusko ito ay magaling itong manamit.Nangingibabaw ang height nito dahil matangkad ang lalaki.Kulay pink ang mga braso nito dahil nakalabas iyon sa nakarolyong polo at dahil narin sa mestiso ito,hanggang dito sa kinatatayuan niya ay langhap niya ang mamahaling pabanho ng lalaki.Lahat yata ng suot nito ay pawang mamahalin,samantalang siya ay puro abot kaya lang ang suot mula sa relos hanggang sa sapatos.Bakit ba ay nasanay siyang simple lang ang lahat.Hindi siya maluho,gusto lamang niya ay may malaki siyang naitatabing pera na sinimot ng lalaking ito na nakatayo sa kanyang harapan at kasalukuyang nakikipang ngitian sa babae cashier.Napaingos siya,hanggang ngayon ay mukhang p**e parin ang lalaki.Inis na inis na sabi sa isip ni Berta. Nang si Berta naman ang magbabayad ay hindi niya maiangat ang sako ng bigas na dapat ipupunch ng cashier,dalawa sana silang magtatawag ng cashier na mag aasist sana ngunit iniangat nayon ni Drako,pipigilan sana iyon ni Berta at nagmamadaling himakbang sa unahan ng sumabit sa hawakan ng pushcart ang kanyang bag na anging dahilan ng pagkawala ng kanyang balanse,walang pasintabing nahatak niya ang lalaki sa unahan na may hawak sana ng iaangat na sako ng bigas kaya nabitawan iyon ng lalaki at dahil narin sa kagustuhan nitong hindi siya bumagsak ay dinaklot siya nito at sa kasamaang palad ay eksakto sa kanyang dibdib palapit dito.Nanlaki ang mga mata ni Berta at nakatingin lamang sa mga mata niya si Drako at walang salitang binigkas,parang napapasong agad siyang kumawala rito at hindi na niya napigil ang kabutihang asal at nasambit ang "Sorry" Napatango naman agad ang lalaki sabay balik din ng salitang"Sorry din". Sa pagkakataong iyon pakiramdam ni Berta ay muling sumungaw ang dating Drako nuong magkaibigan pa sila.Ngunit sa mga nangyari ay wala na siyang pakielam.Mabuti ngang mag move on na siya at huwag ng baliktanawan pa ang nakaraan. Nakatingin si Drako sa papalayong dalaga.Kitang kita niya ang hubog ng katawan ng babae.Marami ng ipinagbago ang anyo nito,ang dating nene na katawan noon ngayon ay ganap na ang kurbada.Naging mailap na sa kanya na parang wala itong nagawang mali sa kanya.Nagtataka lang siya.Tila taliwalas sa inaakala niya ang inaasal nito.Parang ipinararamdam nito sa kanya na siya ang may kasalanan ng lahat.Sayang... Nang nag da drive na si Drako pauwi ay natanaw niyang sumakay sa tricycle ang dalagang si Berta.Na- pakunot noo siya ng halos parehas ang binabagtas nilang lugar!Ang kaninang pahupa ng galit sa kanyang dibdib ay unti-unting bumabangon.Sinundan niya ang tricycle at kung saan ito bumaba ay hinayaan nya munang mabuksan nito ang gate bago siya bimaba sa sasakyan,kumakad siya ng mabilis upang maabutan ang babae. "Ikaw babae ka!Talaga bang hinahamon mo ako?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD