Napapalak-pak si Berta at halos mapalundag ng dininig ang kanyang panalangin.Paano'y hindi siya nabunot kung hindi si Drako.Sa bahay nito sila mag gu Group project.Kinikilig naman ang mga kasama niyang girls dahil sa tuwa.Ngunit ng mapadako ang paningin kay Drako ay nakita niyang malalim ang iniisip ng lalaki.Kung pagbabasehan ang mukha ng lalaki'y mukhang hindi nito gusto ang naging kinala-basan ng bunutan.May itatanong pa sana siya at ang mga babaeng kagrupo ngunit bigla nalang itong tumayo at pumunta sa harapan kung nasaan ang kanilang guro.Nakita niyang nakipagtalo ito sa kanilang teacher.Saglit na tumayo ang kanilang guro tila may tinawagan at pagbalik ay iiling-iling na itong nakatingin kay Drako.Kitang-kita ang pagdidilim sa muka nito.At pagkatapos ay bumalik sa kinauupuan at tumalungko.Tila matutulog na naman.Ngunit ng magsimula ng mag quiz ay kumilos naman ito.Hindi maintindihan ni Berta kung ano ugali ng lalaki.Mas-yado itong moody,papalit palit ng emosyon.
Maaga pa sa alas kwatro ang mga kaklase ni Berta,para bang hindi group project ang pupuntahan ng mga kasama niya.Nagkita kita sila sa pamamagi-tan ng group chat na ginawa mismo niya,utos din kasi ng kanilang guro.Ang mukhang biyernes santo na mukha ni Drako ay walang magawa.Pinakiusapan siya nito ng todo ngunit kahit pa may gusto siya sa lalaki ay hindi niya maatim na makita nito ang bulok niyang bahay.Tinangka ri nitong pakiusapan ang iba nilang kasamahan ngunit kahit isa ay walang puma-yag.Paano naman kasi'y mga papansin ang mga ito.Sino ba naman ang tatanggi makita kung saan nakatira ang mga pinapantasya ng mga babae sa grupo,isama na ang isang bakla at ang mga lalaki na walang ibang inaabangan kung hindi ang ikumpa ang pamumuhay nila kay Drako.Kanya-kanyang interes kung baga.Lalo na ang pupuntahan nila ay bahay ni Congressman.Hindi man aminin ni Berta ay magsisi-nungaling lang siya kung sasabihin niyang hindi siya interesado.Kung sila nga na mayayaman na'y nais pumunta e,lalo na siyang isa lamang hamak na "Slap Soil" lang???Syempre siya ang numero uno,kesa sa bahay niyang pwedeng maging taniman ng kamote ang sala,kung may sala ngang matatawag.Nang magkita kita sila sa lugar na napag usapan ay wala pa si Drako.Mukhang binagsakan ng pakwan ang mga muka ng mga babae,ang mga lalaki'y iiling-iling at ang bakla'y parang natalo sa pagent kung maka react."Pres!Bakit wala pa?Naku sa palagay mo ba'y darating pa iyon?Sabi ni Rodang bading sa kanya.
"Baka naman kasi napaaga tayo?Meron pa naman tayong dalawampung minuto ah?!Teka lang at ime-mesage ko sa group chat."Sabi niya sa mga ka-klaseng atat.
"O online naman pala siya."Sabi ni May-May at kanya kanya ng message ang mga hitad sa gc.Iisa ang itinatanong.Kung nasaan na ang lalaki.Maya-maya lang ang may pumaradang van na puti sa kanilang harapan at kanya-kanya silang atrasan.Ang iba'y nanakbo na sa dulo ngunit tumigil ng makita kung sino ang laman ng van na bakante.Nagka tinginan sila lahat.
"Ano pa hinihintay nyo?Sakay na!"Sabi ni Drakong may inip sa mga mata.
"Ay supper Ferry ang peg,Sa laki ng sasakyan ay para ngang barko.Sabi ni Rodang bading at natawa sila pagkasabi nito.
Nagsakayan na sila at tumakbo pabalik ang mga nagtakbuhan kanina.
"Ang akala talaga namin kanina Drako ay kikidnapin nyo na kami at ibebenta ang aming mga balumbalunan!Alam mo naman ang trending na white van ngayon!"Si Rodang bading parin.At ang iba'y nagkatawanan.Si Drako naman ay nananatiling seryoso.Sampu lang sila kaya may sobra pang isa ang upuan.Ang mabigat na bag ni Berta ay ipinatong niya sa bakanteng upuan sa tabi niya.Pagpasok palang sa malapalasyong lugar ay para na silang nagbakasyon sa ibang bansa,Paano'y puro modern design ang makikita mo sa buong paligid.Marami rami ring puno at mga binonsai na pananim na namumunga tulad ng mga manga at iba pa.Napaka-laki ng bahay.Nakakalula.Pag ibis nila ay sinalubong na agad sila ng Ginang.Binati sila at pinapasok.Bago sila nagsimula ay iginiya na muna sila ng ginang sa hapag kainan at doon nga ay naglaway si Berta sa mga nakahain sa hapag.Paano ba nama'y nakikita niya lang sa magazine ang ilan sa mga ito.Ngayon ang pagkakataon niya upang matikman kung ano ang lasa ng mga iyon.Habang kumakain sila'y nag-paalam muna ang ginang kasabay nito si Drako.
"Bigatin talaga kapag naging anak ka ng congressman.Feeling mo makapangyarihan kanarin."Sabi ng isa nilang lalaking kaklase."Ikaw nalang!Gusto mo bang maging anak sa labas?!May ganito ka ngang sobrang laki ng bahay hindi ka na-man mailantad"Naingos na sagot ng isa na kung t**i-gnan mo ay mukhang naiinggit lang.
"Hey!Dahan dahan kayo ng pananalita,alalahanin ninyong nadirito tayo ngayon sa kanilang tahanan.Matuto naman kayong gumalang!"Ang saway niya sa mga kaklase na nagsabi niyon.
"Tama si Pres!Gumalang naman kayo no!"Mabuti pa ang bading na si Roda ay alam ang salitang pag galang.
"Nag eenjoy ba kayo sa pagkain?!Kung gusto nyo pa'y magpapahanda pa ako."
Nagkagulatan sila dahil hindi nila namalayan na narooon na pala ang ama ni Drako na ngayon ay tulak-tulak na ng asawa nito.
"Ok lang po,sobra-sobra na nga po eh."
Magkakapanabayan nilang sagot sa mag-asawa habang pinanlalakihan ni Roda ng mga mata ang mga ito dahil walang nakakaalam sa kanila kung narinig ba sila o hindi ng mag asawa.
Habang nagpeprepare na sila ng mga materials sa malaking sala na carpeted ang sahig ay iginala ni Berta ang kanyang mga mata sa buong kabahayan.Pawang mamahaling paintings ang naro-on.Ang nangingibabaw lang ay ang paintings na nasa gitna ng sala dahil family painting iyon.Medyo maliit paroo si Drako ngunit maiibahan ka sa makikita mo.Para kasing painting na walang buhay.Lalo na ang bata sa larawan.Kitang kita ang lungkot ng mag ina.Ang ama nama'y alanganin ang ngiti tila napipili-tan.O talaga lang malikot ang kanyang isip.
"Wala pa ba si Drako?Magsisimula na tayo at baka tayo'y gabihin.Ang isa sa mga lalaki sa grupo.
Bago pa nakasagot si Berta sa nagtanong ay nakalapit na sa kanya ang ina ni Drako.At nakiusap.
"Iha,makikiusap sana ako sa iyo na baka maaring ikaw na ang tumawag kay Drako sa itaas."
Nagulat at nagtaka man si Berta ay tanging tango lang ang naging pagtugon niya.Sinabi sa kanya nito kung saan banda sa itaas niya pupuntahan ang silid ni Drako.
Pagpanhik niya sa mahabang pasilyo sa itaas ay kinatok niya ang pinto.Walang nagbukas siguro'y hindi talaga siya narinig ng nasa loob dahil rinig mula rito sa kinatatayuan niya ang malakas na musikang nanggagaling sa loob.Tinangka niyang pihitin ang seradura at napangiti siya ng bumukas naman iyon.Kitang kita niya na mula sa kanyang kinatata-yuan ay naroon si Drako na naka headphone.At Naka hubad barong nakapikit habang sumasabay sa malakas na musika.
"D-Drako!"
Inulit muli ni Berta ang pagtawag ngunit hindi parin siya nito naririnig.Dahan dahan siyang lumapit sa lalaki at doon niya ito kinalabit.Sa kanyang pagkagulat ay dinala siya nito sa higaan at kaagad dinaganan.Inilapit nito ang mukha sa kanya upang magulat lamang."Bakit ka narito?Ano ang ginagawa mo rito?Naiinis na tanong nito sabay balikwas ng bangon.
"Inutusan ako ng mama mo,narito ka lang pala,hindi mo pa kami binababa."Sabi ni Berta at bumangon narin.
"Kayo nalang!Kaya nyo na yan!"Sagot nitong muling isinuot ang headphone.
Inagaw naman niya iyon sa lalaki.
"Ano ba!Ibigay mo sakin iyan!"Nilingon siya nito ng pagalit.
Itinago niya iyon sa likuran.Tumayo si Drako upa-ng agawin iyong muli sa kanya.May sinabi ito ngunit hindi niya gaanong maintindihan.Hanggang sa sinunggaban siya nito at niyakap.Gulat na gulat at ilang na ilang si Berta sa lalaki dahil narin hubad ang pang itaas nito na nakayakap sa kanya.Namutla siya ng inilapit nito sa kanya ang mukha.
Bigla siyang binitiwan ng isang kamay nito upang itutok ang hawak na remote sa player."Hahalikan kita kapag hindi mo binigay yan!"
Rinig na rinig iyon ni Berta dahil hininaan na nito unti-unti ang tugtog.
"Sige halikan moko!"