I'm Dandreb.

1639 Words
Natigilan si Berta sa inasal ni Drako."O bakit ayaw mo naman magpatinag?"Nakataas ang kilay na sabi niya rito. Seryoso parin itong nakatingin sa kanya.At inumpisahang kalasin ang kanyang duster sa pagkakabuhol habang nakatitig sa kanya.Napakunot naman siya ng noo.Hindi niya iyon pinigilan dahil gusto niya ring malaman kung hanggang saan nito kayang panindigan ang ginagawa.Nang makalas na ang duster nya sa pagkakabuhol ay umangat ito ng bahagya upang hubarin ang tshirt na puti,tinignan niya lang ito sa ginagawa.Isinunod na nito padausdos ang pantalon at nasilip niyang naka boxer nalang ito.Nanonood parin siya sa ginagawa nito.Hanggang sa hinalikan na siya nito at upang mapahiya ito ay gumanti narin siya ng halik.Matamis at mahusay talagang humalik ang lalaki,kahit ganito lang ay natikman niya narin ang ipinagmamalaki nitong galing.Sunod nitong inangat ang kanyang duster doon niya ito pinigilan,ngunit pinilit nito iyong tanggalin sa kanya bago naman nito matanggal iyon ay hinatak niya ang twalya sa tabi at ikinover iyon sa dibdib.Bigla siyang umupo pabangon."O bakit ka bumangon?Akala mo bay itutuloy ko?"Sabay hagod ng singkit nitong mata na may halong pang iinsulto sa hitsura niyang nakatakip ng twalya sa dibdib at nakapanting itim nalang."Inaalala kolang na baka lumamig iyong ininit ko sa baba"Napangisi naman ito sa sinabi niya. "Mamaya na iyon,halika muna rito."Nabigla si Berta sa pagkahatak ng lalaki kaya napahiga na naman siya.Hinalik halikan siya nito sa leeg sa ibabaw ng dibdib na naka cover ng twalya,panatag siya dahil hindi naman nakapatong ang ibabang bahagi nito sa kanya,alam niyang pinasasakay lamang siya nito at kapag kumagat siya ay iinsultuhin siya nito.Pababayaan niya ito sa katarantaduhang binabalak nito.Kilala niya ang lalaki na sobrang yabang at sobrang tiwala sa sarili.Titignan niya kung hanggang saan ang yabang nito.Nagpaubaya siya,ang kaninang nakapigil na kamay sa towel ay unti unti niyang ibinaba upang lumapat iyon sa higaan.Doon natigilan ang lalaki.Doon din naman siya unti unting ngumiti at magsisimula ng tumawa.Doon nito ibinagsak ang sarli sa tabi niya. "O huwag kana magbihis,tamang tama yan mas mapupunasan kita ng maayos."Sabi niya ritong kaswal na tumayo at hindi na muli itong sinulyapan sa ibabaw ng kama.Isinuot niya ang duster at hindi narin nag bra.Iniwan niya ito sa itaas. Tumulo ng bahagya ang kanyang luha dahil sa malaking insultong nakamit niya sa tanang buhay niya,alam niyang hindi siya kagandahan pero hindi naman siya kapangitan.Nakadama siya ng lungkot hindi sa kung ano paman kung hindi dahil sa malaking insultong naranasan niya sa tanang buhay niya.Mabuti na nga lang at nakalimutan na niya angdamdamin para rito.Isa na lamang iyong paghanga dahil sa kagwapuhan nito ngunit hangang doon nakang talaga. Pagpanhik niya ay naka short ito ng maigsi at nakatakip parin ang braso sa noo. "Talagang wala kang kahihiyan no?Isinuot mo pa talaga yung short ko."Hindi ito kumibo at pinunasan na niya ang lalaki.Hindi niya ginagawi ang tingin niya sa p*********i nito dahil baka madagdagan pa ang hinanakit niya sa dib-dib. "Sa uli-uli,kapag nagkasakit ka huwag ako ang puntahan mo.Tawagin mo yung syota mong maganda dun ka magpakalinga,o di kaya ay dumeretso ka sa hospital hindi ba't kaaway mo ako?"Sabi ni Berta rito habang pinupunasan ang lalaki. Nagulat niya ng habang pinupunasan niya ito ay hawakan siya sa kamay.Pinagsalikop iyon.Napatingin naman siya rito. "Pwede ba tayo uling maging magkaibigan?" Sabi nito sa kanya ng may pagsusumamong mukha. "Pls?!"Matiim ang mga labing sabi nito. Hindi niya alam kung paano siya nakatango rito.Sa pagkakasagit niyang iyon ay ngumiti ito at niyakap siya."Oy tama na iyan nakakarami kana ah!"Sabi niya sa ginawang iyon ng lalaki. "Im sorry.Kanina,sa lahat lahat,hayaan mong magsimula tayong muli."Sabi ni Drako.Sabay baba ng tingin ng lalaki sa kanyang dibdib,napaangat ang kilay nito sa hitsura niyang walang bra."Huwag mo na akong tignan ng ganyan alam ko namang wala akong kapag-a pagasa sa iyo."Iningusan niya lang ang lalaki. ... Mula ng nangyaring iyon ay muling gumaan ang pakiramdam ni Berta,feeling niya ay may isang malaking troso ang natanggal sa kanyang dibdib. Wala na siyang kaaway, mas madali sa kanya na mamuhay ng mapayapa ngayon kahit nandiyan pa ang lalaki. Sa opisina ay may nagdadala sa kanya ng bulaklak araw-araw,wala siyang kaide-ideya kung sino.Tignan mo na!Talaga palang may hitsura siya kahit papano.Ang sigurado niya lang ay isa itong pangkaraniwang lalaki, bagay sa kanyang pangkaraniwang beauty.Mukhang misteryoso ang manliligaw dahil may pa epek pang ganoon.Mukhang hindi na ito mahihirapan pang manligaw sa kanya ah!Hindi narin siya bumabata,baka bukas makalawa'y urungan narin siya ng regla.Sayang nga eh,sana kung itinuloy lang ng kaibigan niya iyon noon,baka nalaman na niya kung ano ang lasa ng langit,chariiiiizzz!Siyempre gusto niyang gawin iyon sa taong mahal niya at magmamahal sa kanya kung sakali no!Mula ng naging okey sila uli ni Drako ay naging magaan na ang lahat,minsan ay dinadalhan niya ito ng mga niluto niyang ulam kapag off niya.Madalas din ay sinusundo siya nito kung wala rin naman itong pinagkakaabalahan.Parang naging platonic nalang ang kanilang relasyon.Masaya narin siya ng ganoon kaysa nag aaway sila. Kakabihis palang niya at magsisimula na sanang kumain ng may kumatok sa pinto niya.Alam na niya kung sino ito kaya binuksan na niya agad. "O 'wag mong sabihing makikikain ka na naman rito?Bakit kasi hindi kapa mag asawa?Nang sa gayon ay may mag asikaso na sayo?Bakit hindi mo pa pakasalan si Denise?"Nagsasandok na siya at inumpisahang buksan ang dala niyang Maxx roasted chicken. "Galing ako sa opisina mo kanina,wala ka roon ah?May sumundo raw sa iyo?Sino naman iyon?" Sabi nitong pagalit. "Ah iyon ba?Hindi ko nga alam eh,isang manliligaw na nagpapa goodshot."Napapangiting sabi niya.O halika na rito at kumain kanarin. "Hindi mo pala kilala bakit ka sumasama?Bakit ka nagpapasundo?E kung may gawin sayo iyon?" Salubong ang mga kilay nitong dumulog sa lamesa. "Huuu ikaw nga ito hindi umubra sakin iyon pa kaya?"Ganti niya sa tanong nito. "Huwag mo akong ikumpira doon iba ako!"Sabay tapik nito sa lamesa.Na ikinagulat niya. "Tamo 'tong me toyo na ito!Malamang sa nag away na naman kayo ng syota mo no?Tapos sakin ka nagagalit?"Tatawa tawang sabi niya sa lalaki. "Hindi koba nasabi sa iyong tatlong buwan na kaming walang kumunikasyon ng babaeng iyon?" Saka ito nagsimulang kumain. Bagaman nagulat ay tumango tango lang siya."Ah malamang init lang iyan,hindi ka yata nakakapag release eh,hamo may kilala akong pokpok na mamahalin at siguradong walang sakit,sabihin mo lang kung anong araw at oras.Hindi ka magsisisi doon,maganda iyon!"Sa gitna ng pagsubo niya'y sinabi niya rito.Alam niya kasing mahilig sa maganda ang kaibigan,kaya malamang sa pasado ito sa panlasa ng lalaki. "Ikaw nalang gusto mo?Mas sigurado akong wala kang sakit."Sabi nito sa kanya. "Bukas na,may regla ako ngayon,saka wala ako sa mood."Imbes na magulat sa sinabi nito ay iyon ang lumabas sa bibig ni Berta. Nakita niyang natatawa naman ang lalaki sa sinabi niya. "Tawang-tawa ka e no?"Sabi parin niya na dinuduro ito. "Sanay na sanay kana talaga sakin." Tatawa-tawang sinabi nito.Minsan naman seryosohin mo ako." "Sige pag nasa mood ako."Pagkatapos niyang sabihin iyon ay siya naman ang tumawa. "Wag kana pahahatid doon ah!Nandito naman ako lagi."Seryoso na muli si Drako noong sinabi iyon. "Gago!" Sabi niya ritong tutok sa pagsubo. ... Hindi inaasahan ni Berta na iyong araw na iyon ay makakaharap na niya ang lalaking nagpapadala ng bulaklak sa kanya.Napanganga siya dahil hindi niya inaasahan ang hitsura nito.Isa itong mestisuhin na matangkad sa kanya ng ilang dangkal,bigotilyo bal-bas sarado at gwapong gawapo sa suot na amerikana. "Hi,I'm Dandreb,nga pala at ako yung..." Inilabas nito ang bulaklak mula sa likod at iniabot sa kanya. "H-Hi.Napangiti naman siya.P-Paanong?S-Saan?" Nalilito si Berta kung ano ang uunahing itanong sa lalaki. "Noong nag apply ka rito.Nakita na kita,hindi mo lang ako nakita.Natakot ako na baka mareject mo kaya nagpa mysterious effect muna."Ngi-ngiti ngiting sabi nito. "Ganoon ba?Maupo ka muna." "Salamat"At naupo na nga ito. Hindi alam ni Berta kung ano ang sasabihin niya rito at kung paano sila mag uusap kaya nangahas narin siyang magtanong"Sorry pero maaari bang magtanong?" "It's alright.Ano iyon?" "I-If you don't mind a-ano ang nagustuhan mo sa isang katulad ko?" Saglit na natigilan ang lalaki."Isa lang ang alam ko,kapag ang isang taong tapat na nagkakagusto sa isang babae,wala dapat na dahilan,It's just that you like the person and when it blooms that like turns to love. Napangiti si Berta sa narinig.P-Para kasing ano eh." Nakangiting nagtatanong ang mga mata ng lalaki sa inaasal niya."Anong,ano?Pakilinaw po?"Tanong nito. "Para kasi akong nabibilisan sa mga pangyayari."Sabi niyang alanganin ang ngiti. "Bakit?Kailangan ba mabagal?" "Hindi naman,kaya lang ay,,,"Nag aalangan parin na tanong ng dalaga. "Mas mabilis daw ang maagap sa masipag." Sagot ng lalaki. Napangiti nakang uli si Berta,sa kaloob-looban niya'y kinikilig siya.Kailan na nga ba siya huling kinilig?Hindi niya lang natatandaan subalit may bumubulong sa kanya na ayaw niyang pakinggan sa likod ng kanyang isip.Alam n'ya kasi kung sino iyon. "Dahil ngayon lang kita nakitang muli.Aayain sana kitang mag dinner?Kung papayag ka?"May pagsusu-mamo ang mukha ng binata na nakatunghay ngayon sa kanya. "S-Sure!"Nagulat din sa sariling sagot si Berta.Mukha naman kasing pagkakatiwalaan.Sabi niya sa isip nyang nagdadalawang isip din. Nang malapit ng mag uwian ay sinundo na siya ng lalaki sa parking lot sa ibaba,tinawagan muna siya nito na aakyat daw upang sunduin siya na pinigilan naman niya na ang layon ay siya nalang ang bababa kung saan man ito naroroong naka park. Malayo palang ay tanaw na niya ang kumakaway na lalaki.Tumango naman siya rito at sumenyas na siya nalang ang lalapit. Humakbang naman na siya ng biglang may umingit na gulong na siyang nagpagulat sa kanya sa tangkang paglapit.Paglingon niya ay ang nakasimangot nasi Drako na nakasakay sa kotse nitong itim. "Uy ano ba?Sasagasaan mo ba ako?" Sita niya sa iretableng boses kay Drako. "Saan ka pupunta?"Imbes na magpaliwanag ay tanong nitong tila galit. "Ah makikipagdate" Sagot ni Berta sa lalaki. "Are you alright?"Bosee ni Dandreb na papalapit at ngayon ay hawak na siya sa braso. "Who is he?" Tanong ni Drako. "Sorry but I'am the co-owner of this company." Napaawang ang labi ni Berta sa pagkagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD