Getting Some Clues
3rd Person's POV
"Ate, sure ka bang mapagkakatiwalaan si Drake?" tanong ni Frost sa kakambal.
"Oo nga. Tingin ko naman mabait siya, atsaka di ko ikukwento sa kanya ng buo ok? Malay mo makatulong siya satin. Sige na alis na, baka gabihin kayo eh." at minuwestra ni Seren ang kamay niya para umalis na ang kapatid niya.
Papunta na ngayon ang Stellar Brigade at Phantom Knights sa Feyrimeas, maliban kay Haelles na abala pa rin sa paghahanap kay Rairi at si Seren na babantayan si Yuko habang kasama niya si Drake.
"What else can I do? Take care of yourself ok?" bilin ni Frost at ginulo ang buhok ng kakambal niya.
"BYE GUYS! INGAT KAYO HAH!" sigaw ni Seren sa mga kasama at pinanood silang lumipad paalis ng La Telmene.
Pumasok na si Seren sa Dorm Room niya at nadatnan sila Drake at Yuko na naglalaro.
"Yuko, may pupuntahan tayo mamaya hah?" sambit ni Seren at napalingon ang bata.
"Saan naman po Ate?" tanong ni Yuko.
"Sa Rare 4, baka may malaman din tayong clue sa kanila." sagot ni Seren.
"Clue for what Seren?" singit na tanong ni Drake.
"Ah, sa past ni Yuko." aligagang sagot ni Seren at tumango lamang si Drake.
----
"Yuko, wag mong ipapaalam kahit kanino yung tungkol sa Project Lacrima ok? Samin lang ng gang, at sa apat na taong ipapakilala ko sayo." ani Seren at tila naguluhan si Yuko.
"Kahit po kay Kuya Drake?" tanong nito.
"Yes. Basta ang alam niya wala kang maalala sa past mo ok?" sambit muli ni Seren at tumango ito.
"Melon, balik ka nalang maya maya ok?" bilin ni Seren sa Chimera niya at umalis na ito.
*tok* *tok* *tok*
"Ate Aletheia?" tawag ni Seren at lumabas ang magandang dalaga na mapupungay ang mga mata.
"Come in Seren." sagot nito at pinatuloy ang dalawa.
"Oh may bisita pala." galak na sambit ni Astrean at napatigil sa pagbabasa ng libro si Lachise.
"Told you guys. Totoo yung panaginip." Lachise murmured at tumawa si Cleatha.
"Ah, mga Ate, this is Yuko Yoshiko and we need your help." diretsong sabi ni Seren.
Agad na lumapit si Cleatha kay Yuko at hinawakan ang kamay nito.
"Calm yourself Yuko. I am Lady Cleatha and I can see the pasts of any people or creature." sambit ni Cleatha at nginitian si Yuko saka sila pumikit.
"5 Elementians died cause of the Project. 20 Elementals died cause of Praimastin Collections and 1 Elementian died cause of fault." sambit ni Cleatha.
"You have great power in you Yuko, kaya ka nila pinili at kaya hindi ka namatay. Seren, you should take care of her. Kapag nalaman ng naka Red Cloak at Green Cloak na buhay si Yuko, they might hurt her again. People with Gray Cloaks are the kidnappers and they will bring the victims to the Larcia Tower." dagdag ni Cleatha.
"Red Cloak and Green Cloak? They're the persons behind the Project Lacrima?" gulat na tanong ni Seren at tumango si Cleatha.
"So Frost's right with the two of them. The Red Cloaked Person attacked me after the incident with the first La Telmene student while the Green Cloaked gave a threat letter to Haelles.... OH MY PANDARENS, nasa kanila siguro si Rairi?" bulalas ni Seren.
"May spy sila dito sa Academy. Better watch every step of yours Seren." sabi ni Aletheia.
"Lacrimal Infusion, Yuko's powers are even greater by now. Baka nga makayanan ng katawan niya na magamit ang powers na nainfuse sa kanya. What Lacrima's did your body took, Yuko?" tanong ni Aletheia.
"Earth, water, fire and air po." sagot ni Yuko.
"We will train you, together with the Eidolons starting next week. So we can see if you can handle those powers or your Pixie bloodline and power will overcome those. By the way I'm Lady Aletheia, the Truth Holder, so don't you dare lie to me." sambit ni Aletheia at tumango si Yuko.
Si Astrean naman ang lumapit at hinawakan ang ulo ni Yuko.
"I can see your future, cause I am Lady Astrean with the power of precognition." sabi ni Astrean at muli silang pumikit.
"If Arkaios is saved, Lacrimal Infusions will be forever forbidden. But Yuko, she's special. I just can't see what will be her role but it is something big, for the future of Arkaios." sambit ni Astrean.
Naglakad si Aletheia patungo muli kay Yuko at iniangat niya ang damit nito sa likuran saka hinawakan ang nasunog na parte ng likod nito.
"Invisibla nemunia." bulong ni Aletheia at nawala na parang bula ang sunog na parteng iyon. Nawala ang scar ni Yuko.
"That will be your disguise, Yuko. We need to cut your hair down before anyone familiar to you would notice that your here." sabi ni Aletheia.
"Ikaw na ang bahalang mag disguise kay Yuko, hah Seren?" sabi pa nito at tumango ang dalawa.
"Sige na, masyado na kayong matagal dito baka may makahalata pa sa inyo. Be invisible, I think nasa labas na si Melon. Goodbye Seren and Yuko." huling sabi ni Aletheia at nag bow down ang dalawa bilang pasasalamat.
----
Natapos ng kumain ang SB at PK kasama sila King Bryce at Queen Tine.
"Ano ang sadya niyo?" sabi ni King Bryce sa SB at PK.
"We will be straight to our point, King Bryce and Queen Tine." paninimula ni Frost.
"Go on." sagot ni Queen Tine.
"What do you know about the Lacrimal Infusion?" tanong ni Frost at nagkatingin ang Hari at Reyna ng Feyrimeas.
"Do you know the Myth of Elementia?" balik na tanong ni Queen Tine at tumango ang lahat.
"The Crystal Elementals and Wynmisia were victims of Lacrimal Infusion. Someone infused Black Lacrima to them and controlled them. That's the story behind the myth." diretsong sagot ni Queen Tine.
"Is that all you know? So is it possible na may gumawa ng Lacrimal Infusion in real life?" tanong pa muli nito at tumango sina Bryce at Tine.
"Yes but that is already forbidden, not unless may sumuway sa utos. Bakit may problema ba?" alalang tanong ni King Bryce.
"Ah, wala po. Research lang po namin. Sige po mauuna na po kami. Maraming salamat po King Bryce at Queen Tine." ani Heavenne at nagpaalam na sila.
"Tingin mo Bae, may gumagawa na naman ng Lacrimal Infusion?" tanong ni Tine matapos makaalis ng SB at PK sa palasyo.
"Arkaios is really in danger. Mana crisis and that issue. Akala ko last victim na ni Drakilus sila Wynmisia at ang Crystal Elementals pero mukhang hindi." malungkot na sambit ni Queen Tine.
"But Wynmisia is already dead." singit ni King Bryce.
"How about Grakilus?" tanong ni Queen Tine.
"He is still sealed and maybe dying as of now. Don't worry baka nga research lang ng mga bata iyon." paninigurado ni King Bryce at inakbayan si Queen Tine.
----
"Lachise, go to Yuko's dream later ok? Baka maging clearer ang clues na makukuha natin." utos ni Aletheia at nag thumbs up ito sa kanya.
Nakarinig sila ng hiyawan sa labas at takbuhan kaya napalabas ang Rare Four.
"GUYS SI RAIRI DAW NAKITA NA!" sigaw ng isa at mas dumami ang mga tumatakbo papunta sa Hanging Garden.
"Rairi? As in Rairi Fallen? Yung nawala nung last day ng Rankings Exam?" tanong ni Lachise at pinuntahan din nila ang Hanging Garden.
"Excuse us Elementals!" sigaw ni Astrean at nag give way ang mga usisero at usisera para sa kanila.
Si Rairi Fallen, nakahiga at sugatan, halatang nanghihina ito at dumanas ng hirap.
"Fvck! Where's Rairi?!" natatarantang tanong ng isang lalaki na may kasamang Blanther.
"Andun siya Haelles!" sagot ng isa
"RAIRI COME ON WAKE UP!" sigaw ni Haelles ngunit di nagrerespond ang dalaga sa kanya. Bigla na lamang nitong binuhat ang walang malay na si Rairi at saka sila nawala na parang bula sa harap ng mga Elementals at ng Rare Four.
"Grabe naman yung gumawa nun kay Rairi." usisa ng isa.
"I bet si Seren Fierylus ang may pakana nun." singit ni Lyra at napatingin sa kanya ang Rare Four.
Napairap na lamang si Astrean habang si Lachise at Aletheia ay naikuyom ang mga kamay.
"Stop wasting your time by pointing someone who's not involved with this. Go back to your Dorm Rooms!" iritableng sigaw ni Cleatha at sinunod naman siya ng lahat.
----
"Two more, and we are done. Matutupad na natin ang plano." sabi ng naka Green Cloak.
"Pero sino ang kukunin natin?" tanong ng naka Red Cloak.
"Retribution and revenge! The Fierylus Twins would be our greatest propects at alam kong kakayanin nila ang proseso." sambit ng naka Green Cloak at tumawa pa.
"Oh? Bakit natahimik ka? Aayaw ka na? Tandaan mo para ito ang inutos sa atin ni Ina. Walang atrasan, kapatid ko." dagdag ng naka Green Cloak at tinapik ang balikat ng kasama niya.
"Oo ku....ya, wa....lang atrasan." nauutal na sagot ng naka Red Cloak saka ngumiti ng mapakla.