Chapter 1

2191 Words
"Saphira gumising kana." Isa lamang yan sa maririnig mo tuwing umaga para gisingin ang babaeng ito. "Maaga pa nga eh, saka laging late ang homeroom teacher namin daddy. Ano namang gagawin ko sa school?" reklamo niya. Nakailang tawag at sigaw ako sa kaniya bago gumising, parang tulog mantika at puwedeng mamatay anytime na tulog. Ako ay nagluluto ng almusal namin at babaunin ni Saphira sa skwelahan. Kumuha ako ng plato at nilipat doon ang niluto kong cornbeef, ham at hatdog. Pagkatapos ko ilipat ay agad kong nilagay ito sa lamesa at sinigawang muli si Saphira. "Lumabas kana sa kwarto mo. Kakain na tayo ng almusal." Yaya ko sa kaniya. Maya-maya lang ay lumabas na siya habang naka oversize na longsleeve at plaid pants. Saan na naman niya binili ang damit niya? ito talaga ang gastos gastos. Umupo na siya sa lamesa at kumain kami ng sabay. Halos araw-araw ganito ang eksena sa bahay namin, laging magulo, maingay at magastos sa kuryente. Mahilig siyang magpatugtog at minsan naman ay kumakanta magisa. Pagkatapos niya kumain ay nilagay niya ang plato niya sa lababo at pumasok na sa banyo. "Siguraduhin mong may twalya ka diyan ah!" Sigaw ko sa kaniya, araw-araw tuwing naliligo siya ang problema namin ay ang hindi niya pagdadala ng twalya sa banyo at sisigaw sa akin. Pagkatapos ko kumain naghugas ako ng plato at naririnig kong kumakanta siya sa loob ng banyo. Mahilig siyang kumanta lalo na kapag magisa dahil iyon daw ang nakakapag-relax sa utak niyang magulo. Ewan ko ba as long as she's safe wala akong dapat ipagalala. Pagkalabas niya palang sa banyo, agad naman akong pumasok dahil may trabaho pa ako. Ako ay nagtatrabaho sa car wash na malapit lang sa skwelahan ni Saphira para mabantayan siya. Hindi ko alam kung may nakasunod sa amin noong umalis ako sa japan kaya araw-araw kong dala ang pangamba for the past 12 years. "Daddy una na ako ha, bye!!" Sigaw ni Saphira sa kabilang pinto ng banyo, bago siya lumabas ng bahay narinig ko ang sabi niya. "Let's start the day. HEHEE." Sa tawa niya alam ko na agad na sobra na naman ang kinuha niyang allowance sa akin. Lumabas na ako ng banyo at nagbihis ng pinaka simpleng damit. Kahit anong try ko maging normal ang datingan, hindi ko magawa dahil nasanay ako sa movements ko noong nasa Japan pa ako. Habang nasa salamin, hindi ko maiwasan ang ngumiti dahil sa kgwapuhan ko. Sinusuklay ko ang buhok ko sa gilid, kanan at kaliwa. Inayos ko naman ang polo shirt ko at kinuha ang sigarilyo sabay sindi dito. Lumapit ako sa pintuan palabas ngunit bumalik ako sa harap ng salamin para ayusin muli ang buhok ko at kumindat pa bago tuluyang lumabas ng bahay. Habang naglalakad napapansin ko ang bawat titig ng mga tao sa ayos ng paglalakad ko na para bang pagmamayari ko ang buong daanan. Binabati ko ang lahat ng makikita ko at kinikindatan naman ang mga babae. "Iba ka talaga Travis, heh!" Bago tumuloy sa trabaho dumaan muna ako sa restaurant ni Senyora Hanabi, siya ang matandang unang nagwelcome sa amin noong unang dating namin galing Japan, siya din ang tumayong lola kay Saphira at nagalaga dito. Araw-araw bago pumasok sa trabaho, dumadaan ako dito at bumibili sa kaniya ng pagkain at kape para makatulong sa negosyo niya. "Ikaw pala Travis, maupo ka muna." Pagbati niya sa akin. Umupo naman ako habang siya ay kumuha ng kape. "Kamusta kana? Dumaan dito kanina si Saphira at binigyan ako ng pares ng daster, iyon talagang bata na iyon haha sobrang maaalahanin." Sabi niya sabay abot ng Kape. Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ako informed na sweet din pala ang batang iyon. "Ganun ba senyora? Mauuna na ho ako ah, baka malate sa trabaho eh alam nyo na." Pagpapaalam ko, bago ako umalis bumili muna ako ng Tea at Pancake para mamayang break time at tuluyan nang dumiretsyo papuntang trabaho. Habang naglalakad tiningnan ko ang relo ko at nakita kong tatlong minuto nalang ay late na ako. Agad akong pumunta sa pedestrian lane ngunit ito ay pula pa kaya naghintay ako ng 30 seconds para maging berde ito, at makatawid na. "Dapat pala ay sumakay nalang ako." Reklamo ko, noong nagberde na ang sign ay agad akong tumakbo at nang marating ang main gate bumungad agad sa akin si Anna na nakapamewang. "You are late Mr. Travis DeVille!" Sigaw niya. Pinawi ko lang siya at sinabing, "Edi bigyan mo ako ng pamasahe pangaraw-araw para hindi na ako malate." Biro ko sa kaniya, si Anna ay isang sensitive na tao kaya naman ay nakakatuwa siyang asarin, worth it. "Hmph!! Utot mo." p*****a niya sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at pumasok na at umupo muna sa tabi dahil hinihingal ako. Luminga ako sa paligid nang may tumawag sa pangalan ko. "Boss, Travis musta na? hahaha." Pagkalingon ko nakita ko ang senior ko na si Mang Christ. Siya ay mas matanda sa akin ng ilang taon, ako ay 32 years old siya naman ay 45 na. "Ito okay naman hahaha." nagkuwentuhan kami saglit bago sumabak sa trabaho at habang nagtatrabaho. "Kamusta kayo ni Saphira?" tanong niya sa akin. "Okay naman, ito wala pa din siyang pinagbago." Sabi ko naman sa kaniya. Nagkuwentuhan lang kami at nagtawanan habang nagcacarwash sa customer namin. Maya-maya lang ay lumabas na sa office Niya si Ma'am Julia, katulad ko siya ay 32 years old din, kaso muka lang talagang natanda. Lumabas siya para tingnan kung ano ang ginagawa namin, at kung ginagawa ba namin iyon ng tama. Istrikto siya pagdating sa pagtatrabaho kaya wala talaga kaming takas, pagkakarinig ko pa madami na siyang napatanggal sa trabaho. "That's good Mr. Christ and Mr. Travis, keep up the good work." Bati Niya sa amin. Pumasok siya ulit sa office at muli kaming tiningnan sa pintuan. Ganito talaga kastrikto ang babaeng ito. Saphira pov: Bago pa man ako makalabas sa bahay sinigurado kong dala ko ang regalo para kay Senyora. Sa lahat ng tulong na ginawa Niya sa amin, sa ganitong paraan ko pa lamang siya masusuklian. Noong nakalabas na ako ng bahay, agad akong nagabang ng taxi at dumiretsyo sa restaurant Niya. Pagkababa ko nakita ko na siya mula sa salamin ng restaurant sa Labas at nagbayad muna sa taxi bago pumasok. "Senyora! May regalo ako sayo!" sigaw ko kay Senyora pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa restaurant Niya. Ngumiti siya sa akin at bumati ng magandang umaga, tumugon Naman ako sa kaniya at umupo muna sa upuan malapit sa counter. Inilabas ko ang supot sa bag ko at nilagay ito sa counter. Ang nakalagay sa supot ay "For Senyora, from Saphira." Pagbalik Niya sa akin mula sa kitchen, inabot ko agad ang supot na regalo ko sa kaniya at nagpaalam na dahil baka malate ako. "Senyora Ayan ang regalo ko sayo, wala pa Kasi akong alam na puwedeng gawin para masuklian ang mga tulong mo sa amin eh." Kalmado kong sabi. Ngumiti lang siya at nagpasalamat. "Naku itong batang ito, sige salamat ah pero ang laging tatandaan, Ang pagtulong sa kapwa ay wala dapat hinihintay na kapalit." sabi Niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya at nagmano sabay Labas sa restaurant para maglakad ng 3 minutes papuntang school. Pagkarating ko sa school masama agad ang bungad sa akin dahil nandoon sa main gate si Alexa, siya lang Naman ang may pinaka-ayaw sa akin Dito sa school at handang gawin ang lahat para ako ang masisi at matanggal. Luckily hindi ako ganon kadaling kalabanin, ang tatay ko ay dating leader ng g**g at ako ang dream ko ay maging katulad din Niya. Feeling ko Kasi hindi ako belong sa mundong tahimik, kahit anong kabaitang gawin ko inaayawan padin nila ako. "So you are not late today? Saphira." bungad sa akin ni Alexa. Ano Naman kung hindi ako late? dapat bang bantayan ako sa main gate? anong tingin niyo sa akin, wanted? "So what? Kailangan ba akong bantayan? Ganiyan kaba kaselosa sa estado ng buhay ko?" pagtataray ko sa kaniya. "b***h! Sinong maiinggit sa estado ng buhay mo? Baka nga Gangster ang pamilya mo eh, baka nga ang tatay mo ang pumatay sa nanay mo!" sigaw Niya sa akin na ikinanginig ng buong katawan ko. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang sweet sauce ng kwekwek na hawak ng Isa niyang kasama, at binuhos ito sa kaniya. "Really? Then puwede kong utusan si daddy na gawin sa inyo yon. Hahaha pasalamat ka nasa labas Tayo, kung hindi, baka hindi kana humihinga ngayon." pananakot ko sa kaniya at dumiretsyo na sa papuntang 1st floor ng building namin. "b***h!!" rinig kong sigaw Niya sa akin pero itinaas ko lang ang middle finger ko at tumawa. Nang marating ko na ang locker sa 1st floor agad may humawak sa leeg ko patalikod. "Hi, did you sleep well?" tanong ng lalaki sa likod ko. Tinapik ko ng malakas ang kamay Niya at humarap sa kaniya, itinaas ko ng sobra ang paa ko at natamaan ang pinaka-maselan na parte ng katawan Niya. "Tsk! boring." sabi ko sabay Alis. Sa bungad Naman ng hagdan nandoon ang grupo ni Cyrille na sila Mark, Dave, Van, at Sid. Hindi ko na lamang sila pinansin at umakyat na. "Sungit Naman Saphira. Ang pagkakarinig ko sa kanila sweet ka daw ah." haplos ni Cyrille sa buhok ko. "Oo sweet ako, gusto mong alagaan kita?" agad kong siniko mula sa likod ang dibdib Niya at humarap, tinadyakan ko ang tuhod Niya sa likod dahilan ng pagkakaluhod Niya. "Sa Hospital?" sabi ko sabay akyat na sa room. Hayys kailan ba matatapos ang araw-araw na eksenang ito. Kung hindi ang grupo ni Cyrille ang grupo Naman ni Alexa, nakakasawa na pero wala akong magagawa, alangan namang magdrop school ako, edi pinalayas ako ni daddy sa bahay. "Good morning Class." saktong pagbati ng teacher namin pagkaupo ko. Bumati kami pabalik sa kaniya at umupo na. "Mag-aattendance na muna Tayo, say present kapag tinawag ang pangalan." dagdag Niya, pa. "Kieth?", "Present!", "Hana?", "Present!" Noong pangalan ko na ang binanggit nagsalita din ako para marecord na ako ay present sa klase, at wala silang mairereklamo o masusumbong kay daddy. Mayroon lang Naman akong 12 records sa principals office sa loob ng 1 year ko dito, lahat ng iyon ay kasalanan ni Alexa, oo kasalanan Niya lahat. [Fast forward] Recess na namin kaya pumunta na ako sa canteen para kumain. Sa daanan ko papuntang canteen may nakauntugan akong lalaki sa pasilyo. "Aray!" sigaw naming dalawa. "Hala! Miss ok kalang ba?" alalang sabi Niya sa akin sabay abot ng kamay Niya. Akala Niya ba hindi ko kayang Tumayo!? "Kaya kong tumayo! hindi ko kailangan ng tulong mo." Inis na sigaw ko sa kaniya at tumuloy na sa canteen. Malas Naman oh ang sakit tuloy ng noo ko, s**t! Habang nasa Canteen kinakamot kamot ko ang noo ko dahil masakit, allergy ako sa buhok kaya noong natamaan ng buhok Niya ang noo ko Kumati ito, masakit din dahil nagkauntugan kami. "Ok kalang, Phir?" Tanong ni Alain sa akin. Si Alain ang childhood friend ko at laging kabugbugan tuwing dumadayo siya sa bahay namin, kapag nagbubugbugan kami siya ang palaging talo dahil sinanay ako ni daddy noon para dipendehan ang sarili ko. "Tsk! Kailan ba ako naging ok ha?" Sigaw ko sa kaniya, tumawa lang siya at tinulungan ako sa tray ko. "Never." sabi Niya pagkaupo namin sa lamesa. "Never Naman pala eh, alam mo ba nauntog ako sa isang student Dito sa school tapos tumama yung buhok Niya sa noo ko." sumbong ko sa kaniya. "Tanga Naman ng noo mo." pangaasar Niya pa. Pinalo ko siya ng basong walang laman sa ulo at napa-aray siya. "Kaya pala muka kang kamatis." tukso Niya pa. Hindi talaga mauubusan ng pangaasar itong si Alain. Madaming nagkakacrush sa kaniya kabilang na doon si Alexa kaya ayaw na ayaw Niya talaga sa akin, well, anong magagawa ko? nasa akin ang atensyon palagi ni Alain. Hindi ko sinasabing may gusto si Alain sa akin pero parang kapatid kung makasunod, daig pa si daddy. Nang matapos na kami mag-recess, ang iba ay nagsibalikan na sa kaniya-kaniyang room nila, pero ako ay hindi. Tuwing recess or p.e time tumatakas ako at nag-oover the bakod para magcutting classes. Alam ni daddy ang mga ginagawa ko at sabi Niya ganon din daw siya dati kaya hindi siya nagagalit. Ang sarap maging DeVille. Pagka-ahon ko sa kabilang dingding ng school agad akong tumakbo para walang makakita sa akin, nilito ko din si Alain kanina kaya naghiwalay kami after recess. Ngayon ay nasa labas na ako, ang unang una kong ginagawa ay kumain sa restaurant at gumala sa park, bukod pa doon ay nagnanakaw din ako ng pera sa mga bus na sinasakyan ko minsan ay sa palengke. Kung hindi wallet ang makukuha ko, minsan ay alahas at minsan ay card sa bangko. Iniipon ko iyon at itinatago mula kay daddy. Ngayon ay nasa park ako, ang gusto kong gawin ay magenjoy lang at kumain ng mga street foods. Umuuwi Naman ako sa tamang oras kaya walang masasabi sa akin si Daddy, ang problema ko lang ay huwag sanang magsumbong sa kaniya si Alain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD