Travis pov:
I woke up early in the morning, first thing na ginagawa ko every morning is magluto ng almusal at gisingin si Saphira. Friday ngayon kaya hanggang 10 a.m lang ang pasok niya, usually ang pasok Niya is 9 a.m to 3 p.m ng hapon, but every Friday hanggang 10 a.m lang ang pasok Niya.
"Saphira gumising kana." sigaw ko mula sa kusina habang nagluluto. "Dad? morning." bati Niya sa akin at umupo sa lamesa. Agad ko namang inahanda ang mga niluto ko na almusal at umupo din sa harap niya. "Papasok ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya. "Isang oras na klase sa isang subject? no way." reklamo Niya sabay abot ng plato na may kanin.
"Is that so? let's go to the park after." yaya ko. Tumingin siya sa akin na parang nagtataka at ngumiti. "Bago yan ah, sige ba ready ako jan." ngisi Niya sabay subo sa pagkain, kumain na din ako at binuksan muna ang mga bintana para pumasok ang preskong hangin. Sa lugar namin naappaligiran kami ng mga puno kahit na syudad pa ito, presko ang hangin at hindi masyadong maalikabok, bawat sasakyan na naglalabas ng itim na usok ay agad na hinuhuli, kaya Naman ay napapanatili Nila ang magandang simoy ng hangin.
"Oo nga pala daddy. Kumatok Dito kanina mga 6 a.m si Kuya Christ may binigay na plastic. Nilagay ko nalang doon sa ibabaw ng ref, hindi mo pa ba nakikita?" Tanong Niya sa akin. "Ganun ba? hindi pa eh, mamaya ko na titingnan." sagot ko Naman sa kaniya. Alam ko kung ano ang binigay ni Christ na plastic, baka iyon na ang ticket namin pabalik ng Japan. Tumayo ako sa lamesa at kinuha ang plastic sa ibabaw ng ref, pumasok ako sa kwarto at binuksan ang plastic.
Pagbukas ko ng plastic nandoon ang dalawang ticket at isang papel, kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat Dito. "Ako ito si Christ libre ko na ito sa inyo ni Saphira alam mo na hahaha, madami kana naitulong sa amin saka parang pamangkin ko na si Saphira kaya libre ko na ang ticket, huwag kana magbayad." sabi sa sulat na nasa loob ng papel. Ngumiti ako at kinuha ang isang maleta sa ilalim ng kama.
"Daddy what is that?" nabigla ako nang magtanong si Saphira na nasa harapan ng pintuan ng aking kwarto. Agad akong tumayo at inutusan siyang lumapit, lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko. "Saphira... babalik Tayo sa Japan." kalma kong sabi sa kaniya. "Really!?" Tanong Niya sa akin, bakit parang masaya itong batang to? hindi ba dapat magreklamo siya. "Ah..Oo may emergency ang grupo ko, gusto kitang iwan Dito dahil mapanganib ang mundo ko sa Japan, ayaw kitang madamay sa gulo." hinahon kong paliwanag sa kaniya.
"So selfish father! Bakit? kaya ko Naman sarili ko ah, saka sawang-sawa na ako sa lugar na ito, puro b***h saka lalo na yung kapitbahay nating si Alexa. Wala akong problema kung babalik Tayo sa Japan." excited niyang sabi. Kaya Naman pala. "Paano si Alain?" pagtukso ko sa kaniya. Alam kong malapit sila ni Alain sa isa't Isa dahil little brother ang turing Niya Dito. "Sus hindi Naman mamamatay yan si Alain." sabi Niya, tumayo siya sa kama at binuksan ang maleta na kinuha ko kanina.
"Wow! what is these?" mangha niyang tanong noong nakita Niya ang puro gamot sa loob ng maleta. "Ok.. So it's the time na para sabihin ko lahat. Iyan ang gamot na ginagamit namin tuwing nagnanakaw sa bangko, spy, at madami pang iba. Magagamit mo din ang iba sa mga diyan para iligtas ang sarili mo. May business kami sa Japan na iyan ang produkto." mahaba kong paliwanag sa kaniya. "Cool!" sigaw Niya habang binubuksan ang violet na grapon. "Saphira no!" bawi ko sa kaniya ng violet na grapon. "Don't open it kapag hindi kailangan. Matapang ang gamot na ito, kapag hindi kinaya ng katawan mo maco-comatose ka." sinara ko agad ng mahigpit ang grapon, umatras siya sa akin at tinakpan ang bibig at ilong Niya. "Your life is very interesting, father." tanggal ng kamay Niya sa muka Niya sabay ngiti.
"So when are we going back?" direkta niyang Tanong sa akin. "Later, Midnight." sagot ko Naman sa kaniya, ngumisi lang siya sa akin at agad ding lumabas ng kwarto. "Maliligo na ako ha, sabi mo we are going to the park." paalala Niya sa akin sabay Sarado ng pintuan sa banyo. Sinara ko na ang maleta at inayos ang kwarto ko, inilabas ko na din ang iba sa mga damit ko at sinuksok sa ibabaw ng mga maleta na may gamot. Pinaghiwa-hiwalay ko ang mga damit sa bawat maleta at pinailaliman ang mga totoong laman nito.
[fast forward]
Nasa parke na kami ni Saphira at Dito ay naglakad-lakad kami sa palibot at kumain ng mga binili naming street foods. Nagdala si Saphira ng dalawang stick na mahaba at niyaya akong turuan siya ng ilang moves kapag katana na ang ginamit Niya. "Why? Gusto mong humawak ng katana?" Tanong ko sa kaniya. "Hmm I sometimes I watch movies saka anime, and most of them are using katana." sagot Niya sa akin. Naalala ko ng childhood friend ko sa kaniya noong nasa Japan pa ako, Siya ay interesado sa lahat ng matatalim at delikadong bagay, lalo na ang b***l at katana. Ngayon hindi ko lang alam kung isa padin ba siyang Hitman sa Japan.
"Daddy ano na...." reklamo ni Saphira. Tinuruan ko siya ng mga madali lang na movements na natutunan ko mula pa sa lolo Niya, madali lang matuto si Saphira kahit mahirap pa ito, hindi Niya ito tinatandaan, ang ginagawa Niya ay inaaral bawat galaw ng kalaban at ng stick ko.
Halos 30 minutes na kami nagpapractice at bigla siyang may tinanong. "Dad, wala ka bang pasok sa office ni Ms. Julia?" Tanong Niya sa akin. "Pabayaan mo na iyon, masungit yon saka wala siya sa carwash tuwing Friday, iba ang schedule namin." sagot ko sa kaniya at niyaya muna siyang magpahinga. Sobrang pawis kami ngayon kaya Naman pumasok kami sa maliit na convenience store, ito ay may Aircon kaya tumambay kami doon, para hindi mapalabas ng may-ari ng store bumili na din kami ng pagkain at doon na kumain.
"Dad sa tingin mo nasa Japan lang yung nanay ko?" Tanong ni Saphira sa akin. "Hindi ko alam, hindi ko pa nakikita ang nanay mo, ni hindi ko din Siya kilala." sagot ko Naman sa kaniya. Ang naalala kolang na nangyari 12 years ago ay ang aksidente sa hotel kung Saan nagmeeting ang doseng g**g leaders kasama ako doon, pero ayaw ko sabihin iyon kay Saphira, masyadong kumplekado, at iyon pa ang magiging dahilan ng Kapahamakan kung sakaling malaman Niya iyon.
Umuwi na kami ng bahay at 11 a.m na din, nagpahinga muna kami saglit sa kaniya-kaniyang kwarto namin para magready na mamayang gabi sa pagbalik namin sa Japan.
Saphira pov:
Alas nuwebe na ng gabi at kakatapos lang namin kumain ni daddy, lumabas muna ako sa terrace at nagpahangin. Mula 6 ng hapon hanggang dilim malamig ang temperatura kaya nakakarelax sa pakiramdam ang hangin. Nagready na ako ng kaunting damit ko sa maliit na bag para isuot pagbalik namin sa Japan, hindi na ako nagdala ng madami pang damit dahil mabibigatan lang ako, pwede Naman akong bumili ng damit sa Japan kaya hindi na kailangan.
"Saphira ang Alis natin ay 11 ng gabi, ang sakaling dating natin doon ay 2 ng umaga." tawag sa akin ni daddy. "Yes, sure." sagot ko Naman sa kaniya. Bumalik na ako sa loob ng bahay nang maramdamang bumaba na Naman ang temperatura at masyado nang malamig. Time check: 10:30. Nagpalit na ako ng damit na isusuot sa airport, naghihintay na si daddy sa Labas at sinigawan ako na ilock ang lahat ng pwedeng ilock sa loob ng bahay, pero huwag patayin ang cctv. After ng ilang minuto, lumabas na din ako kasama ang maliit kong bag.
"Um iyan lang ang dala mong gamit?" Tanong sa akin ni daddy noong nakita Niya ako pagkalabas ko. "Our family is rich in Japan, hindi lang sa Japan we afford expensive clothes. Saka ang bigat ng mga gamit ko noh madami dami din iyon." pagiinarte ko. Huminga nalang ng malalim si Daddy at nagabang na kami ng taxi. Mula sa bahay, 30 minutes ang byahe papuntang airport kaya medyo malayo-layo din. Pipila pa kami sa airport kaya medyo advance kami, 1st come 1st serve ito noh pero dahil naka VIP kami, no need na.
Nang nasa Airport na kami sakto ang pila ng mga tao, chineck muna ng guard ang mga bag na dala ni Daddy at pinatuloy na kami. The best ka talaga dad, hindi Nila napansin ang mga gamot. "That's cool." bulong ko sa likod ni daddy. Nakita kolang siya na ngumiti at pumila na papasok ng eroplano. Pumunta kami sa isang part ng eroplano kung Saan ang upuan namin ni daddy, ang VIP.
"Makapagpahinga din sa wakas." bulong ni daddy na katabi kolang. Muka talaga siyang leader ng g**g. Ang suot Niya ay black coat, sa ilalim ay white longsleeve na polo, ang pantalon Naman Niya ay itim din at may suot pang black na hat, ang sapatos Niya sobrang kintab, bukod pa doon matangkad din Siya kaya muka lang kaming magkapatid. Ang suot ko Naman ay black na turtle neck at oversize na black t-shirt, ang pantalon ko ay black na highwaist, at ang sapatos ko ay boots. Pinasuot din sa akin ni daddy ang beads na kwintas at ang kwintas na binili niya, bali ang suot kong kwintas ngayon ay tatlo, isang choker, isang cross na kwintas, beads, at ang binili Niya.
4 hours later...
"Ladies and gentlemen we arrived at xxx Airport, kyoto Japan. Welcome to Kyoto, you've arrived at your destination." pag-announce nang nakalanding na kami sa Japan. Bumaba na kami at nagulat ako nang hawakan ni daddy ng mahigpit ang kamay ko. "Don't leave by my side Saphira. It's dangerous, hindi ko alam kung may naghihintay sa atin." bulong Niya sa akin. Pumila ulit kami papasok ng Airport at kinuha ni daddy ng mga maleta na dala Niya. "It's so cold daddy..." sabi ko sa kaniya. Hanggang ngayon hawak-hawak Niya padin ang kamay ko, nakalabas ang kamay ko kaya Naman iyon lang ang sobrang nalalamigan.
Pumunta kami sa isang tabi at doon ay binitawan na Niya ang kamay ko. Agad kong pinasok sa turtle neck longsleeve ang kamay na kanina pa nakalabas. Nanginginig ako sa lamig lalo na at nasa Airport pa kami, talagang malamig Dito. "Stay here. I can't find better signal in here pupunta lang ako doon. Stay here." paalala Niya sa akin. Umupo muna ako sa upuan sa sulok at binantayan ang mga dala niyang Maleta.
"Ang tagal ni daddy..." nginig kong bulong dahil halos 10 minutes na ay wala pa Siya. Maya-maya lang ay bumalik na siya kasama ang apat na lalaking nakaitim na madaming tattoo sa ulo at balikat. "Saphira, sorry natagalan ako.. these four are my body guards, sila ang magsusundo sa atin papunta sa mansion." paliwanag niyang mabuti. "Su-sure." panginginig kong sagot sa kanila. "Welcome back, boss. So you are the next DeVille, Nice to meet you, Young Madam." bati sa amin ng apat na lalaki. "Hehe." ngiti ko sa kanila. Pianuna Nila ako sa parking lot at sila ay nasa likod ko, sinulyapan ko sila sa likod at nakita ko na nakangiti sila na parang naiiyak.
"Wait here." pagpigil sa amin ni Daddy. Pumunta Siya sa harapan ng isang kotse at parang pinagaaralan ito. Sumunod sa kaniya ang apat na lalaki at ngayon ay naguusap na sila. "Sobrang lamig!!!" mahina kong sigaw habang nanginginig. Naaantok na ako sa sobrang lamig kaya Naman ay sumandal muna ako sa likod ng bukas na kotse sa tabi ko. Umupo ako dito at ihiniga ang ulo ko sa malambot na gilid malapit sa bintana nito. Maya-maya lang ay napipikit-pikit na ako at tuluyan na ako nakatulog. Ang sarap sa pakiramdam ng lamig, nakakaantok.
Nagising ako bigla nang maramdaman ko na umaandar ang sasakyan na tinutulugan ko. Umupo ako ng tuwid at tiningnan ang dalawang babae sa unahan. "Hi." bati ko sa kanila. Napaupo ako nang biglang iliko at ihinto ng babaeng nagda-drive ang sasakyan sa gilid ng daan. "Wh-Who are you kid!?" tanong ng isang babae. "Where am I?" Tanong ko pabalik sa kanila. "You are in Japan. Are you perhaps lost? In the Airport?" Tanong Niya. Gumapang ako papunta sa unahan ng sasakyan. Ang sasakyan ay may 6 sitters na upuan kaya mahirap makipagusap sa kanila. "I know." sagot ko sa babae. "Then, where is your place?" Tanong ng babaeng nagda-drive. "Bakit ba kayo nageenglish? I can talk 3 languages including tagalog." paliwanag ko sa kanila, hindi ko alam kung naiintindihan Nila kaya at umupo nalang ako at sumandal sa gilid ng sasakyan.
"Then pupunta na muna Tayo sa mansion namin, after that ipapahatid ka namin sa lugar mo." ngiting sabi ng babaeng naka coat na Puti, ang katabi ng babaeng nagda-drive. Pinaandar ulit ng babae ang sasakyan at dumiretsyo sa Mansion na sinasabi nila. "I am Maria, she is Kejin." sabi Niya sa akin. Tumingin lang ako sa kanila at ngumiti. They're so beautiful. Ang babaeng naka coat na white ay nakashades at nakaheels na red, so sexy. Ang babaeng nagda-drive Naman ay hindi ko masyadong makita ang muka, pero sa tingin ko maganda din Siya. Ngumiti lang ako sa salamin sa harap Nila at tumingin-tingin sa bintana.
Maria pov:
What's with this kid. Ang bilis Niya magtiwala sa amin, and why is she smiling. Did she perhaps ran away from her home? Pero she look familiar, her face looks like someone I knew, her vibes is just like me. Isang unbother at parang hindi natatakot sa posibleng mangyari sa kaniya, just like us. Nag-drive ako pabalik sa mansion at para mahatid na ang batang ito sa lugar Niya. Wala akong dalang bodyguards ngayon, delikado baka madamay ang batang ito sa g**o namin. Pagtingin ko sa kaniya Siya ay natutulog na parang batang sanggol, she's tall and her lips are also thick, So cute gusto kong kurutin ang pisngi Niya.
Nang makarating na kami sa Mansion sa Labas palang rinig ko ang ingay mula sa loob. Ano ang nangyayari? dali-dali kong inutos sa mga tauhan sa Labas na buhatin ang batang dala namin ni Kejin papunta sa kwarto ko. Sumama si Kejin sa kanila para alalayan ang bata. Pumasok ako sa Mansion at nakita ko agad si Travis na hindi mapakali. "Oh travis nandito kana pala." bati ko sa kaniya. "Ano meron? bakit parang may problema?" alala kong Tanong sa kaniya. "Saphira! Saphira is missing! Pumunta lang ako sa isang sasakyan and sumunod yung mga tao ko. Pagbalik namin sa sasakyan hindi namin Siya makita. We searched for her sa buong parking lot, but she's not there!" panik na paliwanag ni Travis na umecho sa buong Mansion. Kinuha Niya ang b***l sa lamesa kaharap ng sofa at isinuot ang black na coat at black hat. "Let's move. We will find her again!" galit niyang utos.