Chapter 46: Adventure in Villages part 2 Winter's POV Nanatili kami rito sa lawa ni Sky, nanatili kaming tahimik na tila ba ito ang kailangan namin, ang makapag isip-isip. Hindi ko rin lubos maisip na ang daming kaganapan ang nangyayari, nakakagulat at sadyang hindi inaasahan. Lalo lamang ito nagbigay patunay na hindi dapat ako magsaya o magliwaliw pa gaya ng aking balak, sisiguraduhin kong pagkatapos ng Sectioning ay aasikasuhin ko ang pagtuklas sa katotohanan. Katotohanan na ipinagkait sa amin, sisiguraduhin kong makakamit ko ang hustisya at mapaparusahan ang may sala. Napahinga ako ng malalim dahilan para mapatingin sa akin si Sky. “Tara, wag nating ilugmok ang sarili natin rito, dumako tayo sa kabilang Village, natitiyak kong may kasiyahan sa bayan ng Alipin.” “Paano mo naman n

