Helloooo Arzelianians! So here's the update! Hope you love this! Enjoy reading ??❤️ Chapter 39: Saving Clerry Part 2 NAGLALAKAD sa likod ng palasyo ang limang tao, apat na lalaki at isang babae, maingat at pulido ang bawat kilos ng mga ito na animo'y parang mga ninja. Isa-isa silang nagsidikit sa pader sa madilim na parte, at ng makita ang isang anino ng nagbabantay paikot sa Palasyo ay agad silang nagsisitaguan. Pasalamat na lamang sila dahil hindi sila napapansin ng mga ito. Nang muling tumalikod ay agad din silang kumilos ng mabilis, isa isa silang umakyat sa mataas na bakod ng palasyo, tumi tyempo na nakatalikod ang bantay. Sa tuwing nakatalikod ang bantay ay isa isa silang umaakyat at nagtatago sa kadugtong ng Maze sa loob ng Pader na nasa boundary ng lupain ng Landrier Kingdom

