Enjoy Reading ? Chapter 44: Aerious Kingdom Winter's POV Matapos ng pag-uusap namin ni Sky ay nagpatuloy kami sa pag lalakbay, nasa Landrier kingdom ang lawa, at ang Landrier Kingdom ay nasa bandang Hilaga, kaya naman patungo kami ng Silangan dahil nandoon ang lokasyon ng Aerious Kingdom. Madilim na at tanging Ilaw nalang na nagmumula sa Buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong kapaligiran. Nakasakay ako kay Lien habang nakasakay naman si Sky sa kabayo niya na kulay puti. Tahimik lang kami magmula kanina, hindi ako sanay, sanay kase ako na dinadaldal lang ako ni Sky, kaso kahit isang salita walang namutawi sa kaniyang bibig. Nanatiling tikom iyon, ilang oras nadin ang nakalipas at nakaramdam na ako ng gutom, hindi ko alam kung malapit na kami, pero ang masasabi ko lang ay malayo na

