Chapter 53: Going Back to Academy Winter’s POV Maaga palang ay nag jojogging na ako paikot dito sa lawa kung nasaan ang tree house, wala si Lien, naiwan daw kase ni Sky pero ayos lang, dadalhin niya ngayon si Lien. Matapos ng drama kagabi ay dito kami natulog ni Fariella sa Tree house, si Ian at sky pati si Keith ay umuwi sa kani-kanilang palasyo. Hindi naman kase sila pwedeng matulog rito, ang naiwan sa tree house ay ako, si Clerry, si Fariella at si Rockey. Pinasama kona den si Eron kay Sky, dito ko siya iiwan sa Tree house kasama nina Clerry. Hindi ko pa nababasa ang Diary, hindi pa ako handa na mabasa ang nakaraan ng aking magulang. Nakarating ako sa lawa saka inisa isang hubarin ang damit at short na suot ko, natira ang bra at panty. Sanay akong ganito at wala akong dapat ikahiya

