Hello Arzelianians! Here's the update! Hope you love this! Yieee! Kinilig ako rito hahahah! Sana kayo rinnnnn! Enjoyyyy Reading! Chapter 41: Confession Sa loob ng Throne room ay matiyagang naghihintay ang hari ng Landrier Kingdom sa pagbabalik ng kaniyang pamangkin. Nais niyang malaman kung may kinalaman ba ito sa pagdukot sa kaniyang anak na si Clerry na kaniyang pinsan. Alam niyang malapit sa Isa't isa ang dalawa kung kaya't naisip niya na Posibleng ito nga ang nagdukot sa kaniyang anak. Wala na ang hari ng Fireious Kingdom sapagkat tumungo na ito sa kaniyang kaharian, may responsibilidad at gampanin ito kaya hindi niya puwedeng iwanan ng matagal ang kaharian. Lalo pa at nagsisimula na ang kalbaryo sa buong Arzelian. Kailangan nila maging maingat. Sa pag-iisip ay hindi namalayan

