Chapter 51 : Winter vs. Sean/ Winter vs. Eagan Winter’s POV Naalimpungatan ako ng masilaw ako sa liwanag, parang may umilaw sa aking mata, kaya naman pupungay pungay akong nagmulat ng mata, sa una ay Malabo ito ngunit kalaunan ay luminaw rin. Nakita ko ang liwanag ay nagmumula sa bintana, kaya naman napabuntong hininga akong bumangon, ngunit agad rin na napakunot ang aking noo ng maramdamang may mabigat na nakadagan sa aking bewang kaya naman ngali-ngali akong lumingon sa katabi ko at doon ay nakita ko si Sean na mahimbing na natutulog. Nag-taka pa ako noong una ngunit napasapo nalang ako ng aking noo ng maalalang dito pala ako natulog sa kaniyang silid. Aalis n asana ako ng higpitan niya ang pagkakayakap sa akin at saka umungol ng mahina, hindi ko mapigilan ang mapakagat labi sa pag

