Chapter 57: the truth part 2 Winter's POV Narito ako sa gitna, sa loob ng throne room ng palasyo ng Fireious Kingdom, o mas tamang sabihin na sa aming palasyo. Nakaluhod ang aking ama, samantalang duguan na nakahandusay ang aking ina. Masakit masaksihan ang ganitong pangyayari. Ngunit wala akong magagawa kung hindi ang tumingin at manuod, dahil sa pamamagitan nito ay malalaman ko kung ano ang nangyari sa digmaan at malalaman ko kung sino ang may sala. Naagaw ang aking atensiyon ng makita kong nagpakawala ng mga yelo ang isang pamilyar na tao. Bagaman na medyo may kabataan ngunit nababatid kong siya iyon. The current king of Ice Kingdom, King Frozer. "Alam kong batid mo na iniibig ko si Flare, ngunit ano ang iyong ginawa? inagaw mo siya sa akin!" malakas na tumawa ang aking ama sa t

