Chapter 48: Ice Kingdom Winter's POV Matapos ang paglalaban namin ni Sky ay dumiretso kami loob ng palasyo. Nasa loob kami ng kuwarto ko at ginagamot Ni Eron ang sugat na natamo ni Sky. Nakatitig lang ako sa kanila, ewan ko ba i feel strong, stronger than before. Maybe because i discovered my Powers? Hays. “Ate Winter, magaling napo ang sugat ni Prinsipe Sky.” Nabalik ako sa Wisyo ng makitang magaling na nga iyon. “Wow este ang galing, paano mo nagawa iyon?” Wala na kase akong mabakas na sugat, mukhang epektibo ang ginawa niyang pag gagamot. “ate Natutunan ko po kay Ama iyon, isang halaman na kayang pagalingin ang sugat sa labas ngunit hindi ang sa loob, nakikita ninyo na magaling sa labas ngunit ang sugat sa loob ay sariwa pa at hindi pa tuluyang naghihilom.” Napatango naman ako

