Alam nyang haharapin sya ni Pitch dahil sa pangyayaring pagtatalo nito at ni Alex tulad ng mga nakakaraang GF nito at di nga sya nagkamali at sa pagkakataong yon palaban pala ang babaeng ito. Natyempuhan sya nito sa kusina.
" May nakaraan ba kayo ni Alex." Diretsa nito sa kanya.
" Wala naman, bat mo natanong?" Sagot nya.
" My god, kelangan mo pa bang tanungin yon! Kami na, so kelangan mo ng dumistansya sa kanya." Nagpanting pandinig nya sa sinabi nito.
" Look,.dumating ka sa buhay nya ng magkaibigan na kami. Sanay nako sa mga ganyan, di lang ikaw ang naging gf nya na lagi ako sinusugod para pagsabihan ng ganyan." Direkta nyang paliwanag kay Pitch.
" So ibahin mo ko sa kanila, ako kasi kapag sakin gusto ko sa'kin lang." Gitgit pa nito.
Naririnig na pala sila sa labas.
" Ha!" Sabi nyang nakatawa at hinarap nya ito.
" Bakit, kaibigan lang nya ko, insecure kang masyado pano pa kaya kung naging isa nga ako sa gf nya, look Pitch kung di mo matanggap na parte ako ng buhay ng boyfriend mo papiliin mo sya." Nanginginig na sya sa Inis.
" Ako maiinsecure sayo." Ngisi pa nito.
" Bakit, hindi nga ba!" sabi nya.
" You bitch." At sasampalin sya.
Nahuli nya ang kamay nito at kapag dakay hinawi nya ito pabagsak sakto naman dating ng mga kaibigan. Narinig nilang di maganda ang usapan nila.
Sa pagkakataong yon nagkunwari si Pitch na sinampal nya at kunwaring hawak ang pisnging nasaktan. Galit na lumapit si Alex.
" What are you doing?" Sabi nito sa kanya at niyakap si Pitch.
" Kung galit ka sakin ako nalang wag mo sya idamay." Sigaw nito sa kanya.
" My god Alex, I did'nt do anything." Sabi nya dito nanginginig na gusto ng bumagsak ng luha nya dahil sa tagal nila mgkasama ng binata kahit magkaibigan lang sila ay di sya nito nasigawan ng ganun.
" Oo, nagseselos sya sayo masaya kana pero di mo sya dapat saktan." Dagdag nito na singhal sa kanya.
" Alex!" Sabi Crissa na naka antabay kay Nina." Tama na."
" Wala nga akong ginawa." Sigaw ni Nina na pigil ang iyak.
" Enough, Nina." Saka talikod akay si Pitch.
At doon bumuhos ang sama ng loob ni Nina na kanina pa nagpipigil lumabas. Sumigaw sya at binasag lahat ng nahawakan.
" Janina tama na, baka mapano ka." Pigil sa kanya ng mga kaibigan.
Sigaw pa din sya ng sigaw. Hanggang maramdaman nya ang mainit na kung ano na umagos sa binti nya nakita ito ni Crissa kaya nagsisigaw ito.
" Alex!" Sigaw nya pero ni hindi ito pansin ng isa.
Napaupo si Nina habang tukop ang ang tiyan.
" Crissa help me!" Dahil rinig nitong sumisigaw si Crissa ng pangalan ni Alex ngunit di ito lumapit. Nakita nyang si Lyndon ang lumapit sa kanya at nawalan na sya ng malay.
Nagising si Nina nasa hospital na sya. Nandun si Tanie, Pam, at Crissa.
" Gising kana? " Bungad ni Crissa sa kanya. "kamusta pakiramdam mo.? tanong nito.
" How's my baby?" Tugon nya kay Crissa na may halong pag-aalala.
" Okey lang sya girl, pasalamat ka malakas kapit ng inaanak ko." Biro nito sa kanya.
" Ang daya nyo dalawa ha, malihim kayo." Agaw pansin ni Tanie.
" Oo nga sabi naman ni Pam." Tingin sya kay Crissa na nagtatanong ang mga mata.
" They need to know your condition. Wag ka mag-alala di alam ni Alex, nakabuo na kami ng planong tatlo." Sabay tingin sa dalawa.
" Pinalabas namin sa mga boys na kay Art yan." Paliwanag nito.
" Salamat naiintindihan nyo ko." Sabi nya sa tatlo.
" Pero hanggang kelan?" Sabi ni Tanie.
Tahimik silang lahat, dahil alam nila tama ang sinabi ni Tanie.
" Hanggat kailangan." Tanging sagot nyA.
Naihatid na ni Alex si Pitch, sabi ni Alex mas mabuting umuwi muna ito aayusin lang nya ang lahat at magpapaalam sa mga kaibigan susunod na rin sya ng manila. Naguusap silang tatlong mga lalaki, habang umiinom.
Nagsalita si Bryan.
" Tol, mas mabuting malaman mo ito. Hinintay ko lang masolo ka namin para masabi ito." Sabi nya sa kaibigan.
" Kung tungkol sa nangyari yon Pre, hayaan nyo na alam kong masama lang loob ni Nina sakin kaya nagawa nya yon. Hintayin ko lang makauwe sya at makausap babalik na ko ng manila." Sabi nya.
" Yoon ba pagkaka kilala mo kay Nina, sa loob ng ilang taon magkasama kayo bilang mag best friend o higit pa yon lang iisipin mo sa kanya. Hindi ka man lang ba nag alala sa kalagayan nya." sabi ni Bryan sa kanya.
" She deserves that?" Galit na sagot ng binata.
" Galit ka ba pre, dahil nalaman mong buntis sya kay Art o dahil sa sinasabi mong sinaktan nya si Pitch." Diretso ni naman ni Lyndon.
" Di namin kinakampihan si Nina dahil kaibigan natin sya." Sabi pa ni Lyndon.
" Wag nyo na syang ipagtanggol." Sabi nya.
" Pare, pano kung malaman mong gawa-gawa ni Pitch na sinaktan sya ni Nina." Di na napigil ni Bryan ang sarili.
" Anong ibig mong sabihin." Balik nyang tanong sa kaibigan.
" Di totoong sinampal ni Nina si Pitch, ang totoo si Pitch ang sasampal kay Nina pero nahawakan ni Nina ang kamay nya nandon ako pare, nakita at narinig ko lahat ang nangyari pero tinikom ko bibig ko dahil ayaw kong maki-alam pero sa pagkakataong 'to na pagkakaibigan nyo ni Nina nakataya di nako mananahimik pa." Mahabang paliwanag ni Bryan.
At doon nagsimula nang mag isip si Alex.
" Bakit ngayon mo lang sinabi Pre?" Tanong nya dito na may halong pagsisi.
" Sa totoo lang pre, ayoko makialam. Pero kelangan kasi naaawa ako kay Janina di dahil kaibigan ko sya bilang isang babae at bilang isang kaibigan mo nakita ko ipinag laban nya pagkakaibigan nyo kay Pitch." Paliwanag pa nito sa kanya.
" Di pa naman huli lahat pre." Sabi ni Lyndon.
" Kilala ko si Janina, hangat nararamdaman nya yon sakit ng sinabi ko di ako kakausapin nun. My god, ano ba tong ginawa ko sa kanya, ngayon ako naniniwala na di sapat ang pagmamahal lang." Galit ni Alex sa sarili.
" You need to forgive your self pare, saka ka bumawi kay Janina. Kelangan mo tanggapin yon." Bigay payo ni Lyndon.
" Alam namin you love her, but we didnt know if she feels the same. Mas mabuti, kung aayusin mo kahit pagkakaibigan nyo lang mahirap mawala ang isang napamahal na syo." Paliwanag pa ni Bryan.
Sobrang sisi ni Alex, ngayon nanganganib narin pati pagkakaibigan nila ni Nina. Alam nyAng di nya mapapatawad ang sarili dahil sinuko nya ang pagmamahal nya dito para lang sa pagkakaibigan nila na sa isang iglap lang ay mawawala ng ganun.
Nangako sya sa sarili gagawin nya lahat para lang mabalik ang pagkakaibigan nila, alam nya malabo ng mahalin pa sya nito dahil nandyan na si Reymart. Kahit kaibigan lang.
Yon ang tinatak nya isip at puso nya.
Magdamag lang sa hospital si Nina at lumabas na rin sya, pinag bilin lang ng doctor bawal stress, at binigyan sya ng mga vitamin at ilan pang konting payo. Nakumpirma din na 5weeks na syang buntis na sa bilang ng mga kaibigan tugma sa gabing nagpunta sila sa bar. Nangako ang mga ito na hindi ipapa alam kay Alex ang lahat. Pero hanggang kelan?
Pag-uwi nila ng bahay may nakaluto ng tanghalian nagluto si Lyndon dahil kahit pano may alam naman syang niluluto sa fastfood business nila syempre tulong naman yon dalawa.
" O dahan-dahan. " Sabi ni Tanie sa kanya habang papasok sila sa sala.
" Wag nyo naman ako babyhin, baka masanay ako." Inis nya sa mga kaibigan.
" Naka ready na tanghalian, tara na sa kusina." Sabi ni Bryan.
" Wow, sino nagluto?" Sabi Crissa.
" Sino pa di, si master chef," tuwang sabi nito at itinuro pa si Lyndon.
Tumayo na silang lahat, magkatabi lang sila ni Alex pero walang kibuan, tinitingnan lang sila ng mga kaibigan. Naunang nagsalita si Nina.
" Mukhang kulang tayo. " Puna nya at halata ng mga ito kung sino hinahanap nya.
" Umuwi na din sya kahapon." Sabi ni Alex.
" Bat mo sya pinauwi, I think I'm the one who need to go." Maanghang nyang sabi dito.
Tahimik lang mga kaibigan at nakikinig sa kanila.
" Sorry Janina." wika ni Alex.
" Hmmm, what sorry can do tapos na, and besides kasalanan ko naman talaga, kung bakit naman kasi sa dami ng tao sa mundo ikaw pa ito napili kong maging bestfriend. And take note ha, of all those years yon pala tingin mo sakin." Paanghang nyang sabi.
" Hindi naman sa ganun." Sabi lang ni Alex.
" Tama na yan." Sabi ni Pam.
" No guys, kelangan nyo din to marinig. At ayoko matapos ang araw na ito na hindi ko nasasabi to." Sabi pa nya.
" Im so sorry Nina. If you want to funish me, go on tatanggapin ko." Pagsosorry nya sa dalaga.
" Di na kelangan Alex, sapat na yon nangyari but dont worry I'm still your friend sayang naman yon mga years na pinagsamahan natin kung itatapon lang ng ganon." Halong pang iinsulto nya dito.
" Thanks!" Sabi nalang ni Alex.
" Don't say thanks, kung di dahil sa mga kaibigan natin baka nakalimutan kong kaibigan din kita. As for now I forgive you, but I think it takes a lot of time to forget what happen. Pasalamat nalang ako di nadamay anak ko." At namuo na luha sa mata nya.
" Sorry guys!" Excuse me sabay tayo at punta sa kwarto.
" Nina!" Habol ni Alex sa dalaga.
" Yaan muna natin sya." Sabi naman ni Tanie.
Di mapigilang maawa ni Crissa sa pinsan dahil ramdam nya sakit na nararamdaman nito. Nawalan na sila ng gana kumain, isa-isa na silang nagsitayo maliban kay Alex na wala sa sarili.
Nilapitan sya ni Tanie at tinapik sa balikat.
" Kaya mo yan, wag ka susuko." Pinalakas nya loob nito.
Ngiti lang ang sinukli nya dito. Maggagabi na di pa lumalabas si Nina ng kwarto. Hinayaan lang nila dahil baka daw hilo pa ito sa gamot.
Di nakatiis si Alex na pumunta sa kwarto nito at tingnan. Sisilipin palang sana nya ito ng biglang may pumigil sa kanyang likuran. Si Crissa.
" Hayaan mo na muna sya." At hinatak ang pinsan papunta sa likod sa may upuan.
" Pinsan, umamin ka nga sakin." Simula nya dito.
" Bakit?" Tanong naman nya.
" Do you love her, more than a friend." Diretsa ni Crissa sa pinsan.
Matagal bago sya sumagot.
" Ano?"bulyaw ng dalaga.
" Oo, ano masaya kana." Pag amin nito.
" Isa lang masasabi ko pinsan, don't let anyone bring out Nina onto your life." Sabi nya.
" Pano ko gagawin yon kung nandyan na si Art, isa pa....." Napatigil si Alex ng maalala ang sasabihin.
Sakit ng dibdib nya sa tuwing naalala nyang magkaka anak na ang babaeng pinaka mamahal nya at di sa kanya.
" My god pinsan, wala ka ba talaga naalala?" Tanong na ni Crissa dito handa na syang sabihin dito ang totoo.
" Na ano." Takang sabi ni Alex. Napayuko nalang ang dalaga habang napapailing.
Hindi masabi ni Crissa dahil alam nyang magagalit si Nina sa kanya at nangako sya dito na hindi nya sasabihin lalong-lalo na kay Alex.
" Kung ako sayo sundin mo nalang sinabi ko, okey." At tumayo na sya iniwan ang pinsan para makaiwas na rin sa pagsasabi ng totoo dito.
Naiwan nag-iisip si Alex, ano ba talaga ibig sabihin ng pinsan nya bakit ganun na lang pag-utos nito sa kanya na wag hayaang mawala sa buhay nya si Janina?
___mharjhin