Chapter 16 DANIELA POV No text and calls from Kate, hindi ko na rin ginawang tumawag at magtext sa kanya. Hinayaan ko siya na makapag-isip-isip siya, kaysa naman lumaki pa ang galit sa puso niya dahil lang sa nasaktan siya noon sa lalaking minahal niya. "Tama ba ang desisyon natin na iwanan si Katherine sa kanila? sigurado'ng malungkot siya ngayon. She need us." I sigh at humugot ng malalim na hininga. "Gusto ko na nga siyang kamustahin, John. Pero tama ito, tama na hinayaan muna natin siyang mag-isa. Hindi iyon makakapag-isip ng maayos kung andoon tayo at kinu-konsinti ang plano niyang paghihiganti." "Daniela, hindi naman masama ang balak niya. Hindi naman niya intensyon na magsinungaling sa parents niya, just that." "Mali parin ang gagawin niyang paghihiganti, John. Ano ba'ng mapap

