DANIELA POV Abala ako sa paglalagay ng mga gamit ni Baby Dan sa aparador, nasa banyo si John at naliligo. Nagpaalam kasi ito na aalis raw siya at may importanteng pupuntahan, nasa kabilang room si Baby Dan kasama si Yaya. Habang nag-aayos ako, tumunog bigla ang cellphone ni John, napakunot-noo ako at dinampot ang cellphone niya at doon may nabasa ako na siyang ikinachange ng mood ko. Sakto namang lumabas si John sa banyo nakita nitong hawak ko ang cellphone niya. "Oh, bakit hawak mo ang phone ko at saka bakit ganyan ang tingin mo sa akin ahh. Gusto mo na yata ako'ng kainin ng buo." Napatayo ako. "Sino si Jessica ha!," bulyaw na tanong ko sa kanya. "Si Jessica? Sinong Jessica ba?." "Nagmamaang-maangan ka pa talaga, ano? Nag-text lang naman siya sayo na magkikita raw kayo sa isang re

