"I'm sorry, Daniela. I push you and John into this, hindi ko dapat kayo dinamay." Hinawakan ni Daniela ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. "Kaibigan mo ako, Kate. Sayo ako pumapanig pero hindi naman solusyon ang paghihiganti para lang magsisi siya, hayaan mo ang karma." Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi maiyak, lumapit siya sa akin at niyakap ako. "I'm so sorry, Dan. Pangako hindi ko na iisipin na maghiganti, Promise." "Huwag ka na mangako, gawin mo nalang. Talk to John, kailangan sa kanya ka mag-sorry." "I will." Bumalik na siya muli sa mesa niya, tumigil na rin ako sa kaiiyak. Namasyal kami buong araw, kapwa din kami bumalik sa grocery store para bumili nga ng mga grocery items. Pagkatapos mamili ay nagshoppinh kami, pumasok kami sa arcade at doon naglaro ng kung ano-ano

