PAGKAGISING ni Matt, agad siyang bumangon at pumasok sa banyo tulad ng nakasanayan. Marami pa siyang nakatambak na trabaho sa opisina at kailangan niyang matapos iyon. Napakunot ang nuo niya ng hindi niya makita ang tuwalya sa likod ng pintuan ng banyo kung saan niya inilalagay 'yon. At mas lalong nagsalubong ang kilay niya ng makita ang tuwalya sa loob ng isang maliit na balde na puno ng tubig. Tatawagin na sana niya ang katulong para pagalitan ng maalala niya ang mga nangyari kahapon at kagabi. Hinilot niya ang sentido at lumabas ng banyo para pagalitan si Thea. Nasisiguro niyang ito ang naglagay ng tuwalya sa balde. Matt halts on his steps when his eyes settled on Thea. Mahimbing itong natutulog sa kama niya. His eyes stared at Thea's beautiful face. Gusto niyang paglandasin ang

