NYLE’S POV Bumalik na kami ni Daniela sa room ni Kate, tinawagan kasi ako ng doktor na inilipat na raw sa regular room si Kate. Binalingan ko si Daniela na nasa tabi lang ni Kath, pansin ko ang lungkot sa mga mata nito. "Danica, umuwi muna kayo. Nakikita ko na napapagod ka na kakabantay kay Kate, ako na ang bahala sa kanya." "Pero," "Nyle was right, Dan. Dumiretso nalang tayo sa house ni Kate, alam ko na mas kailangan muna ngayon ni Tita nang karamay, sa tingin ko kaya na ni Nyle dito." Si John, sinamaan ko siya ng tingin, "Look, tama si John. Kailangan ka ngayon ni Tita, ikaw muna ang bahala sa family ni Kate. Please?," Nilingon ni Daniela si John, "Sige, basta balitaan mo ako kung magigising na siya." "I will." Tumayo na si Daniela at inalalayan siya ni John, bago sila makalabas

